Parazzi Chikka: Katibayan ng Kasal ni Wendy Valdez at Bruce Quebral?!

MATAGAL NANG ISYU ang secret marriage ng dalawang Pinoy Big Brother ex-housemates na sina Wendy Valdez at Bruce Quebral. Paulit-ulit naman itong idine-deny ng dalawa, bagama’t very much in love naman daw sila sa isa’t isa kahit pa may lumalabas ding intriga na kesyo break na sina Wendy at Bruce. At nali-link nga raw itong si Wendy sa kapwa-PBB ex-housemate na si Will Devaughn.

Pero kailan lang, nakatanggap kami ng e-mail kung saan naka-attach ang katibayan umano ng pagpapakasal nina Wendy at Bruce. Sa Certificate of Marriage na ito, ikinasal sina Bruce Angelo A. Quebral at Wendy M. Valdez sa opisina ni Mayor Marino Morales ng Mabalacat, Pampanga noong March 10, 2009, alas-11 ng umaga.

Ang tanong nga ng nagpadala ng e-mail, kung kasal na talaga sina Bruce at Wendy, bakit itinatanggi pa nila ito? At kung mag-asawa na nga ang dalawa, bakit daw masyado namang malapit itong si Wendy kay Will?

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.