Kathryn Bernardo would rather want to be known as a good actress than just a popular star

 

ISA SI KATHRYN Bernardo sa mga pinakasikat na teen stars ngayon sa bansa. Pagkatapos ng Mara Clara ay may mga bigating projects nang nakalinya para sa kanya kabilang ang isang Star Cinema movie at isang youth-oriented series.

Unti-unti na ngang nakakamtan ni Kathryn ang kanyang pangarap na maging isang magaling na artista. Bata pa lang si Kathryn ay kinakitaan na siya ng hilig sa pag-aartista. Kuwento ng kanyang Mama Min, nasa Cabanatuan pa lang daw sila noon ay gusto na ng kanyang anak na magkaroon ng commercials. “From Cabanatuan galing kami ng school then pupunta na kami ng Manila. During ng biyahe, doon lang siya kumakain, natutulog.”

Before playing the role of Mara na unang ginampanan ng nag-iisang Queen of Teleseryes na si Judy Ann Santos, Kathryn previously appeared on the teleseryes It Might Be You, Krystala, Vietnam Rose, Gulong ng Palad, Super Inggo, Pangarap na Bituin, Prinsesa ng Banyera and Magkaribal.

Her passion to succeed in showbiz finally paid off when she was offered the role of young Victoria in the teleserye Magkaribal. Dito ay marami ang humanga sa kanyang kakayahan sa pag-arte at sinabing isa na siyang ganap na teen actress.

Then came the top-rating teleserye Mara Clara. Pero dahil nasa mundo siya ng showbiz, hindi maiiwasan na magkaroon ng intriga dahil sa pagkukumpara sa kanilang dalawa ng co-star niyang si Julia Montes. Kumbaga hanggang off-screen ay pinagsasabong silang dalawa.

Kapag ikaw ay nasa showbiz, dapat maging matibay ang iyong dibdib at sikmura sa anumang intrigang maaaring ibato sa iyo. At ito ang ginawa ni Kathryn. Sa halip na magpaapekto siya sa mga intriga, lakas-loob niyang sinasangga ang mga kontrobersiyang kanyang kinaharap. Paliwanag niya, “Hindi ko naman kasi mapi-please lahat ng tao na magustuhan nila iyong pag-arte ko, kasi iyong sina Clara at Mara sobrang iba po iyong character nila. Ibang atake po iyong kailangan naming gawin.”

Para kay Kathryn, hindi isyu ang kasikatan dahil mas mahalaga raw na mapatunayan niya ang kanyang kakayahan bilang isang magaling na artista. Sabi niya, “Kasi kahit gaano ka kasikat kung hindi ka naman magaling na aktres, ‘di ka naman maaalala ng tao. Importante pa rin na galingan sa role [na] gagawin mo.”

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

12 thoughts on “Kathryn Bernardo would rather want to be known as a good actress than just a popular star

  1. Already proven in endless love, super inggo, magkaribal, and lately in Mara Clara, isang versatile na artista si Kathryn. Kailangan lang niya ang maganda projects, director at writer.

  2. In Mara Clara Julia Montes portrayed her role as Clara not consistent, in the sense that she was brought up by the Del Valles’ , affluent and prominent family; but she acted without manners most of the time. She was sometimes shouting and very fast in delivering her lines, was always well-groomed though she was living in the slum. For me her style of acting is rough, but she can act convincingly. On the other hand Kathryn acting is so smooth, with depth, effortless and so natural. There are a couple of scenes that her voice and delivery of  lines were not perfect, but overall I like her acting prowess. I noticed that she has very good upbringing by how she acts and talks.  

  3. Kathryn if given the chance to prove her acting skills, she shines if entrusted to good director and writer. In Mara Clara, the focus of attention was on Clara and Gary, even though the title is Mara Clara. Most of Clara’s scenes were well taking care of; she appeared always in perfect shape till the last episode. The later part of the story was more on Gary’s wickedness and triumph. I can sense that Mara’s role was not given the chance to show her best in acting, I can really see potential in KATHRYN to become a brilliant actor. KATHRYN IS CONFIDENT; BELIEVE IN YOUR SELF BECAUSE YOU CAN DO IT. 

  4. Dogie hnd din kita kilala. Taga earth ka ba? Sinongali kilala mo xa. Kahit tga planet jupiter  kilala ang pangalang kathryn bernardo

  5. Sa toto lng napaka versatile n kath. Ang daming humanga sa knya sa magkaribal at endless love. Ang galing tlaga nya. Sabi nga nila sa batang jenny lng nila nagustohan ang endless love after dat hnd n sila nanuod nung lumaki na cla. Kng sino ka mn humuhusga kay kath kc hnd ka artista isa kng bruha. Lahat ng aaway kay kath kaaway q na rin.

  6. Ngayon lang naman sumikat si Julia dahil sa Mara Clara. Nasa G-mick remake siya at ni hindi ko nga napansin siya.Nalaman ko lang nung nag research ako sa mga shows niya nung nagpoportray si Julia bilang Clara. UNLIKE Kathryn na nakitaan ko na ng talent IT MIGHT BE YOU DAYS pa. Then as Maya sa Super Inggo and Young Anna/Victoria sa Magkaribal at the same time as Young Jenny sa Endless Love ng GMA. Bigyan lang ng maayos na character si Kathryn at hindi paulit-ulit na linya tulad ng ginawa nila sa Mara Clara, magsa shine siya ng husto sa industriyang ito dahil isa siya sa pina versatile na young actress in her generation.

  7. Kathryn Bernardo is a very talented actress, she’s one of the best actress sa kanyang generasyon at hindi makekwestyon yon cuz she’s proven it to us already. Magaling sya especially sa mga heavy dramas. Sana bigyan pa sya ng magagandang projects ng ABS cuz she deserved it.

  8. kathryn , i’m keeping supporting you . :) and i always watching mara clara. i hope we could meet in personal with albie. someday .. that’s my biggest wish . ;)) #kathbie for the win!

    do your best Kathryn!  love ka namin! :)

  9. Kathryn Bernardo is one of the best Teen Actress on her generation.. sa dami ba naman nagawa na nya’ng Teleserye, hindi pa ba sya gagaling? marami ng experience ang batang ito sa pag-arte kaya di nagkamali ang ABSCBN na kunin sya. Hindi magtatagal, sya ang magiging huwaran ng mga kabataan ngayon.

  10. never heard of her! walang panahon! o baka alaga lang ito ni boy abundat kaya nasa article ng kalobonitang baklush!

  11. CUTE NG BATA NA TO WAG NMAN SANANG MAGAYA SA IBANG ARTISTANG BABAE NA MAAGANG NAKANTOT NG KUNG CNO-CNONG MGA LALAKE. IHA, INGATAN MO ANG KATAWAN MO AT WAG IPABABOY KUNG KANI-KANINO!

  12. dapat mas pagtuunan si julia montes kasi malaki ang kapasidad ni julia kesa ke kathyn napakaaga pa para ikumpara si kathryn ke judy ann. dahil nung unang mga episode lutang na lutang na talaga ang pinagkaiba nila ni julia sa MARA CLARA. yung mabait na side ni CLARA sa mga unang episode nilalamon na talaga si kathryn dito rin nasulat sa parazzi na mas mukhang bida pa si clara ke mara. si kathryn kasi malamya pa sa acting niya, malayo pa ang kailangan niyang ipakita. mas magaling sa dalawang papel si julia bilang CLARA na mabait at kontrabida si kathryn sa huling mga episode palaban na siya dun pero wala pa rin hindi pa rin niya mapantayan si julia montes. Pero gagampanan daw niya yung ESPERANZA ni judy ann sana nga lang ma- improve na acting niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.