Kathryn Bernardo: Walang imposible ‘pag ginusto

ISA SA hinahangaang young stars ngayon si Kathryn Bernardo. Patunay rito ang kanyang top-rating teleserye na Princess and I, ang kanyang tinitiliang loveteam with Daniel Padilla at ang kanilang hit films tulad ng 24/7 in Love, Sisterakas at Must Be… Love. Kabi-kabila rin ang product endorsements ni Kathryn at maging ang kanyang mall shows ay dinudumog ng fans.

Pero aminado si Kathryn na hindi naging madali ang lahat para sa kanya kaya naman nagpapasalamat siya sa ABS-CBN for giving her good projects. “Kasi iyong awkward stage iyong nakakatakot. Thankful ako kasi noong nabigyan ako ng Magkaribal, parang nakatawid ako from the bata na p’wede nang mag-mature kahit papa’no. Hindi ko talaga inisip na magiging ganito,” she said during her interview on The Buzz.

Bata pa lang si Kathryn ay pangarap na niyang maging isang artista. “Gusto ko lang mag-artista tapos hindi ko naman in-expect na ganito talaga ang break na mabibigay sa akin. Akala ko dati kapag nag-try ako tapos hindi ako naging successful, magiging normal school girl na lang ako. Tapos duma-ting lahat ng blessings na ito, [kaya] nagpapasalamat talaga ako.”

Kuwento pa ni Kathryn ay nagtiis din siyang pumila noon para mag-audition. “Feeling ko kapag nakikita ko sila [ang mga nag-o-audition] sa audience entrance, sabi ko grabe din pala iyong mga ginawa ko before.” Payo niya ay huwag daw silang susuko sa laban. “Sana rin iyong iba, ma-inspire na walang imposible basta gusto mo. Ngayon sobrang saya ko,” she said.

Masuwerte si Kathryn dahil hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong klase ng pagkakataon sa showbiz. Where does she go from here? One thing is for sure, with the right moves, she’s headed for the big time.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Related Post

loading...

7 thoughts on “Kathryn Bernardo: Walang imposible ‘pag ginusto

Leave a Reply

Your email address will not be published.