Kathryn Bernardo, thankful sa suporta ni Daniel Padilla sa kanyang pelikula

Kathryn Bernardo

NAGBIBIGAY ng malaking inspiration para kay Kathryn Bernardo ang boyfriend na si Daniel Padilla.

Di nga ba’t sinorpresa ng binata ang girlfriend na walang kaalam-alam na binisita siya ng boyfie sa location ng shooting nila sa Ormoc? Daniel stayed for five days sa Ormoc para samahan ang girlfriend.

Sa video na kumalat online at naging super viral, nang mabigla sa presence ni Daniel sa set ng shooting, nagsisigaw at naglulundag sa tuwa sa ginawang effort ng binata.

Last Thursday, November 22, sa grand media conference ng pelikulang Three Words to Forever (showing na tomorrow, November 28), lingid sa kaalaman ng marami lalo na ng media na present sa Dolphy’s Theater ay dinalaw ng binata ang kanyang girlfriend sa dressing room nito before the event.

No wonder at super ganda ni Kathryn during the mediacon. Blooming at naka-all smile.  Alam mo na masaya siya dahil a few minutes before siya humarap sa media ay na inspire na naman ang dalaga sa pagkikita nila ni Daniel.

Kathryn Bernardo with boyfriend Daniel Padilla

Tonight ang premiere night ng pelikula sa SM Megamall. I don’t know kung si Daniel ang magiging escort ng dalaga or ang partner ni Kath na si Tommy Esguerra playing her boyfriend sa pelikula ni Direk Cathy Garcia-Molina.

Sa Thursday, November 29 ay bibiyahe ang dalaga papuntang Los Angeles, California para sa premiere showing ng Three Words to Forever scheduled on December 1.

Richard Gomez and Kathryn Bernardo

Sa mga fans nina Richard Gomez, Sharon Cuneta at Kathryn worldwide ay narito ang mga schedules ng global screenings ng pelikula nila: December 6: Papua New Guinea, at Middle East, December 7: USA, at Canada,December 8: Sweden (Gothenburg), December 8 & 9: UK; December 9 : Denmark (Jylland), Ireland (Dublin), Italy (Rome, Milan & Florence), Norway (Kristansand), at Spain (Madrid), December 13: Australia, at New Zealand and on December 16: Norway (Oslo).

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.