Kathryn Bernardo, parang nasa cloud nine ‘pag kasama si Daniel Padilla

Daniel-Padilla-Kathryn-Bernardo Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaKAHIT SAANG anggulo tignan, perfect para sa amin ang loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nakaaaliw talaga silang panoorin sa seryeng Got To Believe ni Direk Cathy Garcia-Molina. Kahit iniintriga ang dalawa sa mga issue na hindi naman totoo, deadma lang sina DJ at Kath. Hindi sila mapagpatol sa intrigang hindi naman totoo.

Alam ni Daniel na hindi maiiwasang intrigahin sila ni Kathryn. Pero ipinagkikibit-balikat lamang nito ang mga negative write-up tungkol sa kanila. Ang importante raw, alam nila ang totoo. Kung pag-uusapan ang kanilang relationship ni Kathryn. Kailangan pa bang sabihin ‘yun, alam naman daw natin kung ano ang namamgitan sa kanilang dalawa. May mutual understanding na nga sila kahit hindi diretsong sabihin ito ni Daniel kaya’t nakikusap ang young actor na huwag intrigahin ang maganda nilang samahan.

Feeling nga ni Daniel parang hindi siya napapagod kahit abutin sila nang magdamag sa taping ni Kathryn. Sobrang enjoy ang young actor sa pagtrarabaho dahil nasa tabi niya ang kanyang inspirasyon. Ganu’n din ang pakiramdam ni Kathryn, first MU yata niya ang young idol kaya parang nasa cloud nine ito every time na magkasama sila. Ang maganda nga sa relationship nilang dalawa, parehong boto sa isa’t isa ang kanilang pamilya.

Ibang klase kasi ang karisma ni Daniel sa mga fans kaya’t patuloy ang magandang rating nito sa telebisyon. Pagpapatunay na sinuportahan nila ang pelikula nila ni Kathryn na Pagpag na super blockbuster sa takilya. Ang pagkakaalam namin, may follow-up movie ang dalawa under Star Cinema under the direction of box-office director Cathy Garcia-Molina. Tatapusin raw muna ang romantic-comedy teleserye nina Daniel at Kathryn bago umpisahan ang movie nila together. Ang balita namin, mas maraming nakakakilig na eksenang mangyayari sa kanilang bagong pelikula for this year. Abangan…

 

KAILAN LANG, nag-grand opening ang The Library Bar, a new branch sa Metro Walk, Ortigas with the Gwadings,The Muses & Titans, Zeus Collins and the new discoveries of Andrew ‘Mamu’ del Real the FHM (Fat Hot Mommas).

“This girls will blow you away. Sila ang Anton Diva of Ortigas branch,” say niya.

The new branch offers the awesome entertainment. With supportive partner Boss Vic del Rosario, the wish is now being granted.

Kilala si Mamu sa pagdi-discover ng mga bagong stand-up comedian. Siya ang naka-discover kina Ai-Ai Delas Alas, Allan K, Arnel Ignacio, Pooh at Vice-Ganda at ngayon nga gumawa ng kani-kanilang pangalan sa showbiz.

With genuine talents, a more modern and accessible venue, and the creative direction of Mamu, the “Godfather of Comedy Bars in the Philippines”, The Library Ortigas will surely bring the same vibrant, defiant, and roaring laughter that continues to resonate from the Library Malate.

Del Real has mentored generations of artists, some of which are already big names in the industry. For the Library Ortigas, Mamu will introducing his new discoveries. Bukod dito, magkakaroon rin ng show ang mga Viva Artist na aabangan ninyo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.