Kathryn Bernardo, kumpiyansang ‘di sasaktan ni Daniel Padilla

NALAGAY SA hot seat sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang sila ay mag-guest sa The Buzz to promote their Star Cinema movie Must Be… Love. Hindi kasi tinatantanan ng mga intriga ang dalawa na balitang opisyal nang naging mag-on noong December 26 ng nakaraang taon. Kung totoo man ito ay para naman silang nagpa-Feng Shui dahil March 26 ang birthday ni Kathryn while Daniel is on April 26. There were also photos and videos of their unguarded moments na nagpapatunay sa magandang pagtitinginan ngayon ng isa sa mga hottest loveteams ng bansa.

Todo-tanggi siyempre ang dalawa tungkol sa isyu. “No. I swear to God, no. Hindi, hindi pa talaga. Hindi po,” pagdidiin ni Daniel.

Kathniel may not be an official couple yet but they have previously admitted during a press conference of their movie na may “mutual understanding” na sila. Ito ay muli nilang kinumpirma sa The Buzz. Pinag-usapan ba nila kung kailan sila nagdesisyon na i-level up na sa MU stage ang kanilang relasyon? “Hindi. ‘Di ba parang normal na iyon? ‘Di naman kailangang official pag-usapan na kailangan MU tayong dalawa,” sagot ni Daniel. Kampante naman daw si Kathryn that Daniel will not hurt her.

Kahit MU na sila ay bantay-sarado pa rin ang dalawa ng mommy ni Kathryn when they go out on dates ayon kay Kathryn during their presscon.

Wala namang masama rito. Sabi nga, mommy knows best kaya laging nakagabay sa kanila ang kanilang mga butihing ina. In a previous interview on KrisTV, Karla Estrada, Daniel’s mom, said, “Mas gusto naman namin, Kathryn, DJ, anak, na kung kayo talaga [ang magkatuluyan], bakit hindi? Kaya lang, may mga bagay na hindi natin mahahawakan. So kung dumating iyong araw na kailangan ninyo nang maghiwalay [sa love team], kailangan, handa iyong puso ninyo para hindi kayo mapariwara o mapunta sa hindi tamang landas. So just be ready always.”

Paalala naman ni Mommy Min kay Kathryn, “Lagi kong sinasabi sa kanya dapat kung hindi niya mapipigilan iyong love team nila, kung saan mapupunta iyan, sana at the right time, sa right age niya. Sana ngayon matuto siyang sumunod. Kasi nasa kanila iyon, sila rin ang gagawa. Kahit ano’ng sabihin nila, kung hindi sila, susunod wala rin. So kailangang i-hold nila kung anuman ang feelings nila na iyan,” she said.

Bata pa naman sina Daniel at Kathryn so mag-enjoy muna sila sa buhay at huwag magmadali pagdating sa pag-ibig. Kung talagang sila ang nakatadhana para sa isa’t isa, then it must be… love.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy

by Boy Abunda

loading...

7 thoughts on “Kathryn Bernardo, kumpiyansang ‘di sasaktan ni Daniel Padilla

  1. yung mga inggitero sa kathniel eh manahimik na kayo! sila ang number 1 teen loveteam ngayon, walang binatbat abg mga nasa kanguso haha

  2. Hoy Daniel Padilla feelingero!! Subukan mo lang saktan si Kathryn at makikita mo!! Lalagyan kita ng C4 sa bunganga mo at raratratin kita ng AK47!!! Ingatan mo ang mga tulad niya pakiusap lang.

  3. this is an article with sense and staight facts. nakakatuwa! kahit napanood ko yung kris tv and the buzz at alam ko na yung mga nabanggit dito, the way boy abunda delivers it just makes me feel kilig all over again… haaaay 

    tama naman talaga na hindi irush ang mga bagay-bagay. They are both so young. but i love how their moms handle them.. thier relationship is brooding on the right path because they are guided well and they listen. Very ideal… and true.. :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.