Kathryn Bernardo, gustong gawan ng painting si Daniel Padilla!

PAGKATAPOS GUMANAP bilang Princess Areeya sa hit Primetime Bida series na Princess and I, ibang Kathryn Bernardo naman ang mapapanood sa kanyang upcoming new soap Got To Believe kasama ang ka-loveteam na si Daniel Padilla.

“Medyo malayo, kasi ngayon talaga, more on sa love story ‘yung sa amin. Dati kasi princess, tapos may konting love story and different ‘yung character namin kay Mikay and Gino sa soap.

“Hindi naman sa mas mature ang roles namin dito, hindi naman super matured, pero siguro one step lang na level-up konti, pero hindi talaga super mature.”

At sa kanilang new soap ni Daniel, gagampanan ni Kathryn ang role ng isang artistic girl named Chichay Tampipi, kaya naman daw pinag-painting workshop siya para mag-fit sa role.

“Actually, hindi ako artistic talaga, pero dahil nga sa soap, parang nae-enjoy ko ‘yung painting. Akala ko before, wala akong artistic side, pero ngayon masaya pala siya, tapos parang nakaaalis siya ng stress for me ‘pag nagpe-paint ako. Masaya lang.”

Unti-unti na nga raw nagugustuhan ni Kathryn ang pagpipinta at isa nga raw sa dream nito ay makapinta ng isang bagay na puwede niyang iregalo kay Daniel na magugustuhan nito. Kaya naman daw ginagalingan niya ang bawat painting lesson na itinuturo sa kanila para maging mahusay siyang puminta ng iba’t ibang subjects.

 

TWO YEARS na ang nakalipas pero until now ay biggest crush pa rin ng tween star na si Barbie Forteza ang award-winning actor na si Dennis Trillo at habang tumatagal daw ay mas tumitindi ang paghanga ni Barbie kay Dennis Trillo.

Kuwento nga nito,“Si Papa Dennis lang naman kasi ‘yung crush ko at hindi magbabago ‘yun. Wish ko ngang makuha ‘yung cell number niya, masaya na ako. Kumbaga, pa-birthday gift na sa akin ‘yun, hahaha!”

Gusto mo bang makatrabaho sa isang soap si Dennis? “Oo naman po! Baka ako pa ang mag-ambag sa production, hahaha! Para matuloy lang ‘yung project.

“Si Papa Dennis na ‘yan, ako pa ba ang aayaw. Isa ‘yun sa dream ko talaga, ang makatrabaho siya. Siguro ‘pag nangyari na ‘yun, isa ‘yung dream come true at wish granted para sa akin.

Bukod ba kay Dennis, may iba ka pang crush? “Wala na! Si Papa Dennis lang talaga. Ilang taon pa lang ako nu’n, si Papa Dennis na ang crush ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago, siya pa rin ang crush ko.”

Bakit until now si Dennis pa rin ang showbiz crush mo?

“Ewan, siguro kasi guwapo siya, magaling umarte at mabait. Tsaka hindi kasi ako mabilis magpalit ng crush, kaya siguro hanggang ngayon siya pa rin ang crush ko,” pagtatapos ni Barbie.

 

MISTULANG NASA royal wedding kami ng ilang kapatid sa panulat na naimbitahan sa wedding  nina Xandrei Luigi Cruz at Ma. Christina Gomez last June 30, 2013 na ginanap sa Notre Dame de Vie Chapel ng Fernbrook Gardens kung saan ginanap din ang reception.

Lulan ng karwahe na animo’y prinsipe at prinsesa sina Xandrei at Ma. Christina habang suot ni Xandrei ang magarang kasuotang hinabi ni Robert Yalong. Hinabi naman ni Edward Teng ang napakaganda at eleganteng gown ni Ma. Christina papasok ng Notre Dame de Vie Chapel.

At sa pagsisimula ng kasal, ang kapatid nitong mang-aawit na si Xavier Cruz ang umawit. Kuwento nito na si Xandrei mismo ang pumili ng kanyang kakantahin, kaya naman kaagad niya itong pinag-aralan bilang regalo na rin sa kanyang kapatid at sa mapapangasawa nito.

Dumalo ang halos lahat ng kaanak ng bawat partido ng bride and groom, mula sa pamilya nina Xandrei na sina Sir Alex, Mam Aida at sa mga kapatid nito na sina Xandradel, Xavier Yul, Xerex, Xyrill Aleah, Althea, Alexa and Andrea. At sa pamilya ni Ma. Christina na sina Sir. Reynaldo , Mam Zenaida at kapatid nitong si Reggie.

Mula sa inyong lingkod at sa aming patnugot at sa bumubuo ng Pinoy Parazzi, congratulations sa newly-wed na si Xandrie Luigi at Ma. Christina!

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

21 thoughts on “Kathryn Bernardo, gustong gawan ng painting si Daniel Padilla!

  1. God bless to the people who said something bad against Kath and dj…. Kathneil stay strong nobody’s perfect but in Gods eyes you’re perfect…. Kathneil’s fans love and support you isa na ako God bless kathDj…….

    • Imaw bbeking wag kn mndamay s kabaklaan mo mxado n kaung marami d nmn kau nanganganak para kayong gremlims pg nabasa ng tamod dumarami bwahahahah

  2. pakisabi sa mga nkapaligid ki kathryn bernardo nhuwag pasuotin ngmaigsi  grabe ang legs sakang nghusto.

    • huwag kayong mag alala kay Katryn, unti unti ng gaganda yan, kita na ninyo medyo lumilinaw na ang kulay niya, at napansin ninyo ba, parang nabago ang ilong. may nosejob kayang nangyari, yang pagka sakang niya, maayos rin yan, dont worry, kung si Kim Chui nga, nagbago na ang kaanyuan, si katryn pa. taga Star Magic nga sila, ateng. maraming Magician diyan, yung pangit, napapaganda, yung pango, napapatangos ang ilong, yung maitim napapaputi, yung ngngo, nagiging tuwid ng magsalita, yung pangit ang boses, gumaganda na, sino bang writer ang nagbansag diyan ng Star magic kingdom

      • tama ka prem nagpa nosejob nga yang, tulad na rin yan nina Kim at Maja, kay bata bata pa nagpagalaw na ng ilong, 

      • Mga inggeterang mga beki! Un bridge jn s Quiapo un ang kunin nyo at ipalagay nyo s ilong nyo pra me bridge din mga pokpok

    • mga bakla tigilan na yang pagka ingit sa ibang tao! tangapin na lang ang katotohanan na hindi na mararating ng mga favorite starlets nyo ang narating ni kathryn!

  3. Sige ipainting mo si Daniel,,,,,, kathryn,, Ung naka Bomba ha,,,, All d way,,.Para naman kaming mga beki ay lumigaya.,Panagarap kong makita ang malaki nyang BATUTA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.