Kathryn Bernardo, ‘di pa raw handang na makipaghalikan kay Daniel Padilla

LOOKING FRESH and beautiful si Kathryn Bernardo sa presscon ng bagong niyang product endorsement na Juicy Cologne. May iba’t ibang flavor of fragrance to tickle your senses while keeping you fresh.

“Napaka-importante sa akin ang body hygiene. I want to feel fresh and confident everyday. Kailangan maalaga ka sa ‘yong katawan lalo na kapag artista ka. Kahit maghapon kang nagtratrabaho kailangan nandu’n pa rin ‘yung refreshing smell sa ‘yung katawan,”turan ni Kath.

Hindi kailangan guwapo ang isang guy para matipuhan ni Kathryn. Tulad ni Daniel Padilla, may body hygiene kaya’t pasado ito sa kanyang pihikang panglasa. Bukod sa pagiging astig nito, napakabangong pagmasdan ang sensational young actor. Alam kasi nito kung papaano alagaan at maging malinis sa paningin ng fans ang kanyang sarili.

“Marami ang nagkakagusto ng Juicy Cologne, maging si Daniel type niya ang naiibang fragrance,” say niya.

Tinanong namin si Kath kung bakit naudlot ang pagpapalabas ng bago nilang teleserye ni Daniel Padilla sa Kapamilya network? Paliwanag niya, “Okay lang po ‘yun, binigyan kami ng chance na makapag-taping  ng advance para sa soap namin ni Daniel. At saka, wala pa nga pong timeslot kaya hindi pa ito nailalabas.”

Nilinaw rin ng dalaga wala siyang tampo o hinanakit kung hindi agad maipalabas ang soap nila ni Daniel. Ang network raw ang nakakaalam kung kailan ito ipalalabas at kung ano ang makabubuti para sa kanilang dalawa.

May kissing scene kayang magaganap kina Kathryn at Daniel sa serye nila? “Wala po, hindi pa ako ready to do kissing scene, at alam po ‘yun nina Daniel at Direk Cathy Garcia-Molina. Medyo mature na po ang role ko rito kaysa sa “Princess and I”. Sobra po kaming nag-enjoy habang ginagawa namin itong soap. Magaling na director po si Direk Cathy, ang dami naming natutuhan sa kanya ni Daniel.”

Ikinuwento ni Kath na binigyan niya ng electric guitar si Daniel nu’ng birthday nito. Kasama pa nga raw ang mother ng dalaga nu’ng binili ang birthday gift niya sa young actor.

“Minsan lang mag-birthday nu’ng tao. So, ‘yun ang naisip namin ni Mama na ibigay sa kanya at nagustuhan naman niya.”

Balita namin, magkasundo raw ang mother nina Kath at Daniel. Boto nga raw ito para sa kanyang anak.

“Kilala na kasi ni Mama si Daniel, marespeto at maalaga si Daniel kaya gusto siya ni Mama. Ibang klase kasi kung tratuhin niya ako sa set. ‘Yung bang bibigyan ka niya ng pagpapahalaga bilang babae, ganu’n din kay Mama,” papuring sabi ng young actress.

Kumusta naman ang relationship ninyo ni Daniel? “Okay naman po, mas lalo naming nakikilala ang isa’t isa dahil palagi kaming magkasama. Relax na kami, madali naming nakukuha ‘yung eksenang gustong ipagawa sa amin ni Direk Cathy.”

Apektado raw si Kathryn dahil mas nauna ang series ni Julia Montes kaysa sa soap nila ni Daniel. Nilinaw ng dalaga na walang ganu’n issue sa kanila ni Julia. Magkaibigan raw sila at parehong Star Magic talent. Deadma lang siya kung pagsabungin daw sila ni Julia.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

7 thoughts on “Kathryn Bernardo, ‘di pa raw handang na makipaghalikan kay Daniel Padilla

  1. ASUS! KUNWARI PA ITONG KATHRYN NA ITO…EH OFFSCREEN BAKA DI LANG LAPLAPAN ANG GINAGAWA NINYO…..MUKHANG MANYAKIS PA NAMAN YANG SI DANIEL…hehehe

Leave a Reply

Your email address will not be published.