Kathryn Bernardo, best birthday ever ang bakasyon nila ni Daniel Padilla sa Palawan

PAG-UWI nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng Maynila ay agad silang sumabak sa presscon ng pelikula nilang “Can’t Help Falling In Love” na showing on April 15 (Black Saturday).

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla in El Nido, Palawan

Kathryn Bernardo & Daniel Padilla during the presscon of “Can’t Help Falling In Love”

Ayon sa dalawa, na-enjoy nila nang husto sa apat na araw nilang bakasyon sa El Nido, Palawan.

“Feeling ko, sa lahat ng birthday ko, ito na yata ‘yung pinaka-favorite ko so far, itong 21st ko. Ang tagal ko na kasing gustong pumunta sa El Nido,” kuwento ni Kathryn.

Naikot din daw nilang dalawa ni Daniel ang Palawan at nag-island hopping pa sila.

“And then, parang nagkaroon kami ng sariling mundo ro’n sa Palawan, kasi may mga places na walang signal,” kuwento pa ng young actress.

Nanonood lang kami ng stars ‘pag gabi, watching the sunset, ganyan. ‘Yung mga simple talaga na bagay, sobrang babaw ko talaga na tao. Sobrang napasaya ako na parang after all the hard work before my birthday leave, parang naka-recharge ako sa four days na ‘yun. And it’s the best birthday ever,” kuwento pa ni Kathryn.

Samantala, kahit  pinapayagan na sila ni DJ na mag-out-of-town nang walang kasamang parents kundi friends lang, ayon kay Kath ay kailangan pa rin daw i-explain sa kanyang ina ang lakad.

“And basta ‘yung tiwala lang, hindi sisirain, ‘yun ang importante,” sey pa ng dalaga ni Mommy Min.

Wala pang material na birthday gift si Daniel kay Kath. Pero ayon sa binata, nando’n naman daw ang pagmamahal niya kay Kathryn pati na ang kanyang pag-alalay rito.

“Hindi naman materyal na bagay lang, para maiba naman. Mas more on doon sa effort and sa pag-alalay ko sa kanya,” rason pa ni Daniel.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.