Kathryn Bernardo bawal maging masaya sa syuting ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Kathryn Bernardo

MAHIRAP ang pinagdaanan ni Kathryn Bernardo habang sinusyuting ang pelikulang Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema kapartner si Alden Richards. Bukod sa immersion ng pagiging domestic helper, tinanggalan din siya ng cellphone ni Direk Cathy Garcia-Molina habang nagsusyuting.

 

Dahil sa nangyari, aminado ang girlfriend ni Daniel na talagang naaning-aning siya that time dahil nga wala siyang makausap.

Katwiran naman ni Direk Cathy, kailangan niya itong gawin para magampanan ni Kathryn nang maayos ang karakter nitong si Joy especially sa mga heavy scenes nito.

Kailangan din daw maramdaman talaga ng aktres ang hirap ng maging isang OFW na nag-iisa at malayo sa pamilya.

May isang pagkakataon na nahawakan ni Kathryn ang kanyang phone habang nagsu-shoot na ikinagalit ng director kaya kinumpiska niya ang telepono

 “Kasi, hiningi ko ‘yung phone ko nu’n, si DJ ang ka-text ko nu’n kasi, alam n’yo ‘yung kailangan ko siyang ilabas, kasi bawal kumausap sa akin, so kailangang may paglabasan ako. Kaya nung kinuha, galit na galit ako, kasi ‘yun na lang ‘yung taong nakikinig, nakikipag-usap sa akin,” kwento ni Kathryn.

 

Naintindihan daw naman ni Kathryn kung bakit ito ginagawa ng direktor sa kanya.

 “So, kung tatanungin n’yo po kung nakatulong, yes, sobra-sobrang nakatulong. Pero hindi siya naging madali. Hindi siya ‘yung paraan na gusto ko,” sey pa niya.

    Ipapalabas na ang Hello, Love, Goodbye sa July 31 hatid ng Star Cinema at mula sa panulat ni Carmi Raymundo.
    Kasama rin sa pelikula sina Joross Gamboa, Maymay Entrata, Kakai Bautista, Jameson Blake at marami pang iba.

 
 
 
 
 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.