Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa movie itutuloy ang naudlot na kissing scene sa teleserye?!

NASAKSIHAN NG mga manonood ang pinakahihintay na royal ending ng Princess and I. Happy ending ang kuwento nina Mikay (Kathryn Bernardo) at Gino (Daniel Padilla) na mukha pang magki-kiss before the screen faded out. Bagama’t hindi nagkatuluyan sina Mikay at Dasho Jao (Enrique Gil), it was revealed that his character was the “I” in the title of the top-rating teleserye.

Alam kong nabitin ang mga fans nina Kathryn at Daniel sa last scene ng Princess and I. Kuwento sa akin ng isa kong kaibigan ay sumisigaw habang tumatalon ang kanyang anak na teenager dahil sa sobrang kilig at excitement habang pinapanood ang inaakalang kissing scene ng dalawa. Kaya ganoon na lang ang panlulumo nito nang matapos ang istorya na wala ang ina-abangang eksena.

Magkaganoon man ay tiyak kong lumulundag ngayon sa tuwa ang kanilang mga fans dahil magsasama uli sa isang malaking proyekto ang kanilang mga idolo. Hindi nagtapos ang kanilang loveteam sa pagtatapos ng Princess and I dahil magpapatuloy ang kanilang pagpapakilig sa bago nilang pelikula titled Love Me Maybe under Star Cinema. Malay natin ay rito na matuloy ang naudlot nilang kissing scene.

Nagsimula nang gumiling ang mga kamera para sa kanilang movie which is directed by Dado Lumibao. Kathryn tweeted, “First day. #kathnielmovie http://instagr.am/p/VI3v18PGnN/”. The two young stars were last seen together in Sisterakas.

Nagpapasalamat ang dalawa sa lahat ng mga tumangkilik sa kanilang teleseryeng Princess and I. Sabi ni Kathryn in an interview with ABS-CBN News, “Nag-grow talaga kami rito. Masarap ang feeling kasi after ng show, marami akong natutunan. Iyon ang importante. And the friendship, iyong samahan with the cast, parang nagkaroon ng bagong family kasi 10 months kaming magkakasama.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

11 thoughts on “Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa movie itutuloy ang naudlot na kissing scene sa teleserye?!

  1. daniel iLoveu much :*
    cRush na crush kta gwapo mO …
    ito # ko 09074877946
    txt mo nMan aqu pLz idol
    i love u muahx2

  2. buti nalang cla ang nakatuluyan sa PAI. iniiyakan kc yan ng pamangkin q nagbanta pa pag di daw nagka2luyan c mikay at Gino di nadaw xa manonood ng channel-2 HEHE

  3. ANG LAKI TLG NG NAGAWA NG MAKEOVER KAY KATHRYN. GUMANDA ANG LOLA MO. DATI, PARA LANG SYANG ISANG BATANG YAGIT ALA JANET GIRON.

Leave a Reply

Your email address will not be published.