Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, sa April na ang shooting bagong pelikula

Mj Felipe's Instagram Post
Mj Felipe’s Instagram Post

Magsisimula nang gumiling ang camera sa April para sa Kapamilya love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ibinalita ni ABS-CBN entertainment reporter MJ Felipe sa kanyang Twitter na balik big screen tinaguriang Teen King & Queen ng showbiz. Aniya, “JUST IN: KathNiel back in the big screen. Will start shooting movie project this April. DJ set to perform in Himig Handog Finals night.”

Sa Instagram, ipinost din ni MJ ang litrato nina Kathryn at Daniel, kasama ang mga executives ng Star Cinema na sina Charo Santos-Concio, Olivia Lamasan at Johnny Manahan.

Nakipag-meeting ang dalawa sa mga nasabing executives noong Biyernes, March 4, tungkol sa pelukulang ididirek ni Cathy Garcia-Molina. Wala pang title ang nasabing pelikula, at wala pa ring ibinigay na iba pang detalye.

Noong February, excited na inihayag ni Daniel may bago silang pagsasamahang proyekto ni Kathryn matapos ang kanilang hit teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo“.

Ani Daniel, “Siyempre thankful kami sa Star Cinema, dahil may bagong movie kami ulit. Kakatapos lang ng pitch sa amin. Direk Cathy na. Let’s go. Let’s start.”

Huling nagtambal sa pelikula sina Kathryn at Daniel sa blockbuster movie na “Crazy Beautiful You” na idinirek ni Mae Czarina Cruz-Alviar.

By Parazzi Boy

Previous articleRebelasyon ni Maria Ozawa, mas pumabor kay Cesar Montano
Next articleTita Angge, nasa kritikal na kondisyon matapos atakehin sa puso

No posts to display