Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinakatiniliang love team sa anniversary special ng It’s Showtime

Kathryn-Bernardo-Daniel-PadillaNAPUNO ANG Araneta Coliseum ng fans na gustong manood ng kick-off para sa 6th anniversary ng It’s Showtime, dahil first time na nagsama-sama ang pinakasikat na love team ng Kapamilya Network sa Big Dome.

Hindi magkamayaw ang tilian ng fans tuwing lalabas sa stage ang Kapamilya love teams. May kanya-kanyang hukbo ng fans ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Ayaw ring paawat ng supporters nina Kim Chiu at Xian Lim.

Nagpakita rin ng suporta ang JaDine fans nina James Reid at Nadine Lustre na napanonood sa primetime series na On The Wings of Love. Lalo namang dumagundong ang Araneta nang tawagin na ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Naging special guest din si Coco Martin kahapon para i-promote ang kanyang Ang Probinsyano na magpa-pilot telecast na bukas ng gabi after TV Patrol. Kinantahan ni Coco ng Panalangin ang Pastillas Girl na halatang kilig na kilig sa ginawa ni Coco.

Nag-advice din ang aktor sa dalaga na dapat ay huwag masyadong magmadali sa paghahanap ng bagong pag-ibig at kung sino ang sa tingin niya ay tunay na makapagpapasaya sa kanya ay ito ang kailangan niyang piliin.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleTom Rodriguez at Lauren Young, nakalusot sa MTRCB ang grabeng laplapan
Next articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 118 September 28 – 29, 2015

No posts to display