Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, maging for real na kaya ang reel loveteam?

IBANG KLASENG kilig na naman ang ihahatid nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang mga fans with their newest primetime teleserye titled Got to Believe which will be directed by Cathy Garcia-Molina.

Subok na ang lakas ng tambalang KathNiel mapa-teleserye man o pelikula. Kung noon ay naging ritwal na ang pagsubaybay ng mga manonood sa away-bating relasyon nina Mikay (Kathryn) at Gino (Daniel) sa Princess and I, natitiyak kong ganito rin ang kanilang gagawin gabi-gabi sa Got to Believe.

Ayon sa artikulo ni Kristhoff Cagape sa push.com.ph, Daniel talked about the series during his pictorial, “Si Kathryn [ay] si Chichay. Tapos ako naman si Joaquin. Basta ako dito malayung-malayo sa Princess and I. Malayo ito kay Gino. May comparison siguro pero hindi iyong Ginong-Gino. Misteryoso talaga si Joaquin.”

Kung panonoorin mo nga naman ang trailer ng series ay may pagka-misteryoso ang karakter ni Daniel – nakasuot ng hood at nagtatago habang tinitingnan si Kathryn mula sa iba’t ibang sulok ng bahay. Joaquin likes Chichay and it shows in his eyes. Paglalarawan nga ng karakter ni Kathryn tungkol kay Joaquin, “Siya ang taong magpapabaliktad ng mundo ko.”

Masaya rin si Daniel for having the opportunity na makatrabaho si Direk Cathy. “Nakakatuwa siyempre kasi Direk Cathy, legend iyan, eh. Ang dami nang ipinalabas na blockbuster. At masarap dinG katrabaho ang director na napakagaling kasi marami kang matututunan.”

May mga nagsasabing sila ni Kathryn ang susunod na John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ngayong si Direk Cathy ang kanilang direktor sa teleserye. “Sina Sarah at John Lloyd, gano’n na iyon eh, sila na iyon, eh. Kumbaga tayo ‘di pa natin masasabi. Tsaka na,” Daniel said.

Now that they are working together again in a new project, maging for real na kaya ang for reel na loveteam nina Daniel at Kathryn? Sabi nga sa trailer ng Got to Believe, “Maniwala ka sa magic ng pag-ibig!”

The series also stars Carmina Villaroel, Ian Veneracion, Manilyn Reynes, and Benjie Paras.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, maging for real na kaya ang reel loveteam?

  1. nyahahahaa, maulit kaya ang nangyari sa Love team noon nina Rustom at carmina, na nagkatuluyan, at……..at……..at……..nyahahahah nood na lang kayo ng My Husband’ lover…baka makuha ninyo ang ibig kong sabihin…he he

  2. Pingback: Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, maging for real na kaya ang reel loveteam? - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.