Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mag-on na!

BLIND ITEM: Alam naman natin na ‘pag magkapatid na ang nag-away, ‘wag kang kumampi kahit kanino sa kanila, dahil magkapatid nga ‘yan, magkakaayos din ang mga ‘yan.

‘Pag me kinampihan ka, sigurado, ‘pag nagkabati ang mga ‘yan, galit naman sa ‘yo ‘yung isa.

Kaya hangad namin na sana ay magkaayos na ang magka-patid na ito na parehong aktibo sa showbiz.

Nabubuwisit kasi itong si Bunso ke Panganay, dahil hanggang ngayon, ‘yung P1.8M na utang sa kanya ni Panganay ay hanggang ngayon, hindi pa siya nababayaran.

Ang masaklap pa du’n, nagmamalaki pa raw si Panganay, kaya sa buwisit ni Bunso, kung anu-ano na ang itinatawag sa Pa-nganay. At sasabihin naman ni Panganay sa kanya, “Bahala na ang Diyos sa ‘yo.”

Eh, nabubuwisit lalo si Bunso, dahil kung me Diyos sa puso ni Panganay, ba’t kailangang gumawa nito ng mga bagay na labag sa mata ng Diyos?

Gaya ng ano?

Una, hinding-hindi maka-limutan ni Bunso na “ineksenahan” ni Panganay ang kanyang syota eh, alam naman nitong syota niya ‘yon.

Pero kapatid eh. Anuman ang mangyari, magkakapatawaran ‘yan. Ang kaso mo, ‘yung hiniram sa kanya nitong P1.8M, hindi pa ibinabalik ni Panganay.

Hindi naman sa nanga-ngailangan si Bunso, ang punto lang nito, “Utang ‘yon, dapat, bayaran niya!”

Eh, ‘pag tinopak pa naman si Bunso, nagwawala ito at kung anu-anong masasakit na salita na ang ibinubuka ng bibig nito, kaya sa sobrang galit, tineks nito ang current syota ni Pa-nganay.

Something like, iwasan na si Panganay at baka bigyan siya nito ng sakit, dahil kung kani-kanino nali-link si Panganay.

Banta pa ni Bunso, “’Pag hindi pa niya tinigilan ang kaplastikan niya at hindi pa niya ‘ko binayaran, makakatikim siya sa akin at wala akong pakialam kung mas matanda pa siya sa ‘kin!”

Hay, nako… ammm… makapagbanyo nga muna’t bigla kaming naihi!

MAY NAKAPAGTSIKA sa amin na sa tunay na buhay pala ay mag-on na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

No, hindi porke tonight na after TV Patrol ang pilot telecast ng Princess And I, kaya namin ‘to itsinitsika sa inyo.

Unang-una, hindi naman kami invited sa presscon nila. May isang “ibong pipit” lang kaming nakausap na mag-on na ang dalawa. At ang bilin lang nito’y ‘wag namin siyang i-quote.

Eh, madali ka-ming kausap, kaya wa kami ispluk kung sino’ng source. Ang nakakatuwa lang sa source, nagbilin pa ‘to na ‘wag sanang “lumampas sa guhit” ang dalawa.

“I-enjoy muna nila ang kanilang kabataan at magpayaman muna sila sa kanilang career bago sila mag-ano… alam mo na!”

Alam na namin.

Pero feeling namin, parehong may pangarap ang dalawa na marating sa kanilang career, kaya I’m sure, magbe-behave naman ang dalawang ‘yan.

 

TINATAYANG MAKAKA-P80M ang total gross ng pelikulang Moron 5, at ito ay in fairness, maganda na, ha?

Nu’ng una’y nagkaroon pa ng isyu kung makikipag-co-prod ba ang Star Cinema sa Viva Films. Ang ending: sinolo na lang ng Viva ang buong pelikula.

Kaya nga kung ia-analyze namin, kung mag-co-prod ang dalawa since bonggang mag-promote ang Star Cinema, dapat, gumross ito ng P160M.

Ke solohin o mag-co-prod, ganu’n din ang suma, ‘di ba?

Anyway, let’s all move on. I hope natapos na rin ang isyu sa pagitan nina Boss Vic del Rosario at Ma’am Malou Santos, dahil napakaliit na lamang nitong industriya para mag-away-away pa.

Bati-bati na kayo para good karma.

 

Baka type n’yo lang i-like ang aming fanpage na “The Ogie Diaz” at ang aming podcast, paki-like na rin ang www.facebook.com/vibestayo, ha? Salamat po!

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

28 thoughts on “Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, mag-on na!

  1. Hi….. with capital H by nikkie cast of be careful with my heart, idol ko po talaga kita ms.kathryn I want to be ur friend……………………………… ty

  2. Hmmm….. sa totoo lang bagay naman talaga sila kathniel, kaya sana lang ipagpatuloy nila ang kanilang pagsasama,,,,, good luck! we love you kathniel

  3. Maniwala naman ako jan?! Galing mong gumawa ng kwento Ogie ah. Nakakadiri naman kung magiging mag-on yung dalawang yon! Ew! Atsaka, di porke’t lagi silang pinagpa-partner , MAG-ON NA SILA?! ano ba namang klaseng issue yan! walang kwenta! Tsaka, sa tingin mo ba, may maniniwala jan?! Nako! ANG BABATA PA NG MGA ‘YON! WAG KANG FEELING!!

  4. Ogie Diaz, you are really tsismosa and makapal and pagkabakla mo. Sinisiraan mo si Kathryn kasi cast ikaw sa Walang hanggang, Sa kris tv, tinanong si Daniel at Kath nang tsismis mong ito. Makati ka talaga, wala ng magpaniwala sa mga walang kwentang at fabicated na news. Sabi ni daniel, tinawag siya ni Min(mom of kath) kong talagang gusto niya si kath, sabi niya OO. Pangalawang tanong, kong nangliligaw na baw siya kay Kath. Sagot niya, hindi kaibigan lang.   Masyado malayo ang tsismis, silang dalawa na ang source na hindi pa nga nangliligaw si Daniel… OGIE DIAZ PANGIT NA BAKLA..YOU NEED TO SMOOTHEN YOUR UNBELIEVABLE TSISMIS. YUCK !!!! 

  5. Ogie Diaz, you are really tsismosa and makapal and pagkabakla mo. Sinisiraan mo si Kathryn kasi cast ikaw sa Walang hanggang, Sa kris tv, tinanong si Daniel at Kath nang tsismis mong ito. Makati ka talaga, wala ng magpaniwala sa mga walang kwentang at fabicated na news. Sabi ni daniel, tinawag siya ni Min(mom of kath) kong talagang gusto niya si kath, sabi niya OO. Pangalawang tanong, kong nangliligaw na baw siya kay Kath. Sagot niya, hindi kaibigan lang.   Masyado malayo ang tsismis, silang dalawa na ang source na hindi pa nga nangliligaw si Daniel… OGIE DIAZ PANGIT NA BAKLA..YOU NEED TO SMOOTHEN YOUR UNBELIEVABLE TSISMIS. YUCK !!!! 

  6. naku…E anong tawag nyo sa mga tween stars ng gma7?   puro lovelife lovelife ang issues din…at ano kung maagang nabuntis si andi…pinangatawanan nya yung anak nya at hindi nagpalaglag gaya ni rhian dahil sa pampressure ng mother network nya.   at shebie wag kang manlait ng itsura…pinagmamalaki mo si marian…eh half half yan…nakita mo na ba itsura ng nanay nya at ng pamilya ng nanay nya?  kung may mga pangit don anong sasabihin mo?  pano kung mag kaanak si dingdong at marian at pangit kinalabasan…o anong sasabihin mo don?

  7. hoy hugo prada cno ang mas kadiri? sa GMA7 nag papalaglag ng bata, at least c andi pinag pa2loy ang pag bubuntis hindi nya pinalalaglag.

  8. hindi naman po yan confirmed eh,, wag nyo pong e judge sila.. mabubuti naman po ang pagpapalaki sa kanila.. tulad na lang kay kathryn, nagagabagayn naman po siya ng kanyang ina…

  9. WAG KA PAPALASPAG DYAN INDAY SA DANIEL NA YAN ME LAHI YANG BEBE GANDANG BAKLA HAHAHA… ANG POKE INDAY BANTAYAN.

  10. shebiesili, hugopahada, they both have things in common…. bopol at di ginagamit ang utak. Pulos nonsense ang mga sinasabi, mapansin lang….bwahahahah!

  11. sino pa ba ang may away kapatid na balita sa showbiz ngayon? eh di ang mag ateng starlet na sina ara mona at cristine reyes!

    .

    tingin ko si kathryn ang unang babaeng papaiyakin ni daniel, sa hilatsa pa lang ng mukha ni daniel, playboy na kaya goodluck sayo ate kathryn. 

    .

    80m? diba considered na flop na yun? ang blockbuster eh 100m plus, yan ba ang sinasabing blockbuster? 80m lang ang total gross income? di na ako magtataka, ang korni ng pelikula, si luis lang ata ang nagpangiti ng pilit sa akin, the rst mga pilit ang ang kokorni gaya na lang ng badinger z na si marvin agustin at ang kabit ni wen deramas na si durano, mga patapon!

  12. BASTA KAPANGITYA STARIRAYS HINDI TALAGA MAGANDA ANG TABAS NG FEZ………..BWAHAHAHAHAHAHAHA………………..LOOK AT SOME EXAMPLES: ANGHIT POKSIN, PIYOKISTANG PANGO AT KIM VANG CAY……………KAHIT SAANG ANGLE WALANG SINABI ITONG MGA ITO SA BEAUTY NI MARIAN THE NUMBER ONE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  13. Korak c Ara and Cristine ang BI. Yang Daniel Padilla na yan hindi ko gusto ang hilatsa ng mukha. Mukhang super sa yabang. Gustong gayahin ang tiyo nyang c Robin. Sa bagay mayabang din umasta c Robin pero cute na payabang unlike this boy irita. Hindi sisikat yan mark my word. 

  14. HugoParada, bakit ABS-CBN ba ang magulang nila? me mga magulang ang maga yan bakit hindi sila ang sisihin mo? magpatingin ka na nga sa PSYCHOLOGY mong idol

  15. IRRESPONSIBLE ABS CBN. Wala talagang maasahan na sense of responsibility mula sa ABS CBN!. Kabata bata ni Katryn Bernardo, ini ENCOURAGE na sa mga ligawan at mga relationship relationship na boyfriend girlfriend. HINDI NA NATUTO ang ABS CBN sa kaso ni Andi E ng Agua Bendita. NAKAKADIRI talaga ang ABS CBN, magkaPERA lang, kahit na mapariwara ang mga buhay ng artista nila! NAKAKADIRI to the max ang DOS!

Leave a Reply

Your email address will not be published.