Kathryn Bernaldo at Julia Montes, pressured sa kanilang launching movie

 

KATHRYN BERNARDO And Julia Montes are two of most promising teen stars today. Pagkatapos ng kanilang hit primetime teleserye na Mara Clara, sila ay muling magsasama sa kanilang launching movie titled Way Back Home directed by Jerry Sineneng at ipalalabas simula August 17 under Star Cinema.

Marami ang curious kung sino kaya kina Kathryn at Julia ang iiyak at magpapaiyak ngayon sa kanilang pelikula. Before starring as lead stars on Mara Clara ay nahasa na sa kanilang pag-arte sina Kathryn at Julia dahil sa mga teleseryes na ginawa nila sa ABS-CBN. Kathryn previously appeared on It Might Be You, Krystala, Vietnam Rose, Gulong ng Palad, Super Inggo, Pangarap na Bituin, Prinsesa ng Banyera and Magkaribal samantalang si Julia naman ay nasa Ligaw na Bulaklak at Hiram.

Ayon sa balita ay kakaibang Julia at Kathryn daw ang mapapanood sa Way Back Home. Sabi ni Julia, “Medyo may maturity lang iyong acting namin dito. Iba na iyong atake, iba iyong role namin. Sa story kasi [ay] magkapatid kami rito, more on sa family problems [kung] paano mo i-handle iyon bilang isang pamilya.”

Dagdag ni Kathryn, “[It’s a] family drama. ‘Pag sinabing family drama na gawa ng Star Cinema, talagang inaabangan ng mga tao.”

Hindi maiiwasan na makaramdam ng pressure ang dalawang teen stars since this is their first time to topbill in a movie. “Doble, triple na pressure iyong nararamdaman namin,” pag-amin ni Kathryn.

Makakasama nila sa pelikula sina Sam Concepcion at Enrique Gil bilang mga leading men. Masaya raw silang lahat sa set at hindi raw sila nagkakailangan.

Nag-uumapaw naman ang papuri nina Kathryn at Julia sa mga batikang aktor na sina Agot Isidro, Tonton Gutierrez at Lotlot de Leon na kasama rin nila sa Way Back Home. “Mapi-feel mo na comfortable sila maka-work kasi tutulungan ka nila sa mga eksena. Magaling kasi nai-inspire kami lalo sa kanila,” sabi ni Kathryn.

“Talagang ‘di nawawala iyong pagtulong nila sa bawat scene. Sa kanila rin kami humuhugot ng emosyon,” ayon naman kay Julia.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Kathryn Bernaldo at Julia Montes, pressured sa kanilang launching movie

Leave a Reply

Your email address will not be published.