KATHNIEL FOR REAL: Daniel Padilla, umamin na rin sa wakas na sila na ni Kathryn Bernardo!

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

ALMOST five years na magka-loveteam sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at mula nun, hindi na nabuwag ang “loveteam” ng dalawa on and off screen.

But during the grand media conference para sa pelikula nilang The Hows of Us noong Wednesday; after the long wait, kumpirmado na mula mismo sa bibig ng binata at umamin na sila na nga ni Kathryn.

Sa media conference, ang sweet ng dalawa. Wala na silang itatago sa media at publiko tungkol sa kanilang estado ngayon dahil ang deklarasyon ng binata ay official na rin ang pagbabandera ng kanilang pagmamahalan kahit noon pa man ay alam mo na magkarelasyon sila kahit hindi umaamin.

Palagi sila nagho-holding hands at pati sa pag-inom ng tubig ay sa iisang baso lang sila nagsasalo.

Positibo ang aura ng dalawa na tipong magtatagal sila at mauuwi sa kasalan ang relasyon nila.

Next Wednesday, August 29 ang showing ng The Hows of US sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Kasama sa pelikula ng KathNiel sina Alwyn Uytingco, Darre nEspanto at Ria Atayde.

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.