Katherine Luna, pakalat-kalat lang sa bilyaran at game sa one night stand?!

TAMA LANG NA huwag nang mag-react si Coco Martin hinggil sa mga sentimyentong isiniwalat ni Katherine Luna hinggil sa pagtalikod niya bilang ama ng anak nila na ngayon ay limang taong gulang na. Gano’n pa man, sana’y gumawa siya ng effort para magkaroon na ng closure ang kung anumang unresolved issues sa pagitan nila.

Kung ito man ay usapin tungkol sa sustento sa bata o tungkol sa kaukulang pagkilala ng isang ama sa kanyang anak, siguro nga’y kailangan nila talagang mag-usap. Ang kaso, mukhang umiiwas nga itong si Coco.

Usap-usapan din na duda raw kasi ang aktor kung sa kanya ba talaga ‘yong sinasabi ni Katherine na anak niya. Kahit sa current manager nga raw ni Coco, hindi niya diumano magawang sagutin kung siya nga ba ang ama o hindi.

Paano matutuldukan ang isyu kung ganyan nang ganyan?

Tapos kapag ngumangawa na si Katherine at nagsisiwalat sa press ng kanyang saloobin, balat-sibuyas naman ang kampo ni Coco Martin. Pagdidiskitahan ang mga nagsusulat ng interview sa dating sexy star at pararatangang nagsasanib-puwersa para siraan ang aktor.

Tama ba ‘yon?

IN FAIRNESS TO Katherine Luna, hindi naman puro tungkol kay Coco Martin ang nagiging paksa ng mga interview sa kanya. May iba pang isyung napag-uusapan sa mga pagkakataong may nakakaharap siya from the movie press.

Gaya na lang ng paghihiwalay nila ng live-in partner niya after Coco na si JM, isang model kung saan may dalawa siyang anak. Financial problem daw ang dahilan umano ng kanilang paghihiwalay.

“Simpleng tao lang siya,” sabi nga ni Katherine. “Ordinaryong model na hindi naman permanente at kalakihan ang kita.  Eh… na-in love ako sa kanya.

“Sa paghihiwalay din kami humantong kasi nga, hindi ko kaya na makita ang mga anak ko na naghihirap. Ang gusto ko, naibibigay ko sa mga anak ko kung ano ‘yong gusto nila. Kasi hindi ko pinagdaanan iyon, eh.

“Kung magsasama lang kami for love, ano ‘yon? Hindi mo naman makakain ang pagmamahal.

“Mahirap sa akin na tiising hindi ko maibigay ang mga pangangailangan ng mga anak ko. Like minsan kapag nasa mall kami, may ituturo sila na gustong ipabili sa akin pero wala sa budget, naa-ano ako kasi iiyak sila… kasi hindi namin mabili.

“Eh, ayaw akong payagan na magtrabaho. So, nag-decide ako na kailangan na naming maghiwalay. Sobra siyang seloso.

“Wala siyang regular na kita. Kaya sa isip ko, paano na kami mabubuhay kung hindi niya ako papayagang magtrabaho?  So, naghiwalay kami. Sinabi ko rin naman sa kanya na hindi kami puwedeng magsama na puro pagmamahal. Dahil may mga anak nga kami. Kaya bumitaw ako.”

Nagtatrabaho daw ngayon si JM bilang OFW sa Abu Dhabi. Pero hindi rin daw ito nagpapadala ba ito ng sustento sa dalawang anak nila?

“Hindi ko siya hinihingan. Sabi ko, mag-ipon muna siya. Tapos kapag hindi ko na kaya, siya naman. Magkaibigan naman kami no’n, eh. Okey kami as friends.

“At saka dati, talagang ramdam ko ‘yong pagmamahal niya sa akin at sa mga bata. Kahit sa panganay ko na talagang itinuring din niyang tunay na anak. Buntis pa lang ako sa panganay ko no’ng makilala ko siya at talagang alam ko na minahal niya ako.”

After JM. Isang businessman ang sunod niyang nakarelasyon. Pero hindi rin sila nagtagal. Naging maintriga pa nga ang paghihiwalay nila dahil nadiskubre umano nito na hindi seryoso at nanlalalaki diumano si Katherine. Dahilan para magpakalat ito ng sex video niya.

“Nag-sorry na naman sa akin ‘yong taong may kagagawan no’n. Sabi pa niya sa akin, ‘yong karma raw niya, nararamdaman na niya kasi bumagsak ‘yong negosyo niya, ang nanay niya eh, nagkasakit… ang daming hindi magaganda raw na nangyari sa kanya.”

Sinasabi ni Katherine, maayos naman ang buhay niya dahil kahit paano’y nakapag-ipon siya at may business naman siya ngayon. Pero hindi pa rin maiaalis na may mga nag-iisip na baka naman may mayamang benefactor siya na sumusuporta sa kanya ngayon? O, ‘di kaya – she was into flesh trade before kaya siya nakaipon nang husto?

“Siguro may ibang sexy star na ganyan ang drama. Hindi ko naman nilalahat. Pero kung ginagawa ko iyon… alam mo nakahiga na lang siguro ako ngayon. Na hindi ko na kailangang magtrabaho o magnegosyo. Kasi ang yaman ko na nga siguro.”

May naging blind item din na nagwawala na raw siya at laging pakalat-kalat sa mga bar at bilyaran na kapag nalasing daw eh, puwede nang hilahin kahit sa loob lang ng comfort room for a one night stand.

“Paano ako magpapakalat-kalat sa mga bar o bilyaran eh, naka-devote nga ang buong panahon ko ngayon sa mga anak ko? At saka ‘yong gagastusin ko sa paggimik, eh ‘di sa pangangailangan na lang ng mga anak ko?

Ilang beses na ring napapabalitang gipit daw siya’t kapit na sa patalim kaya balik sa pagsasayaw sa mga club?

“Hindi. Pinagdaanan ko na ‘yon. Galing na ako sa gano’n. Tapos na ‘yon. Minsan naiimbitahan ako na mag-perfrom sa ilang club kapag big night nila. Pero hindi ‘yong sexy dance na maghuhubad. Ordinaryong dance number na may back-up dancers.

“May negosyo naman ako sa Cavite, eh. May piggery ako roon kaya kahit papano mabubuhay naman ako. At saka may ipon naman ako.

“’Yong mga walang sawa sa pang-iintriga sa akin, bahala na lang sila sa buhay nila. Hindi na ako apektado kahit ano pa ang sabihin nila. Basta ang alam ko sa sarili ko, wala akong ginagawang masama. At masaya ako sa buhay ko ngayon.  Sawa na rin akong ipagtanggol ang sarili ko kaya deadma na lang.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

7 thoughts on “Katherine Luna, pakalat-kalat lang sa bilyaran at game sa one night stand?!

  1. Korek, pa DNA na lang para matapos na ang pagdududa. Wala raw kasing maramdamang lukso ng dugo si Coco sa bata. Anyway, idol ko pa rin siya…magaling na artista.

    • gago pala ang nag sabi ng pa DNA eh babaero si coco martin sana di nalang si coco martin ang ama ng anak ni katherine luna sana mamatay na lang si katherine luna

    • naging nanay pa si kaherine Luna eh malande naman sya eh pinili pa nya ang crush kong si coco martin at lalakero naman si katherine luna at bobo pa

  2. Sayang. Kabata bata. Ipa-DNA na lang ang sinasabing anak para kung tutoo, masuportahan naman ni Coco. Duda si Coco kaya kung ano man ang kalalabasan nang DNA test, panindigan niya o give the issue a rest kung hindi anak.

  3. get a life girl.. tama.. concentrate ka na lng sa sinasabi mong negosyo at wag mo na guluhin ang magandang career ni coco. we love him dahil magaling syang actor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.