Katherine Luna, isinisisi kay Coco Martin ang pagsadsad ng career noon!

BAGO ANG PAGPAPA-INTERVIEW ni Katherine Luna kay Tita Cristy sa Sunday showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi, a couple of weeks back ay nakapanayam na rin namin ang dating sexy star. Actually, it took several weeks bago siya napapayag ng kanyang manager.

Ang drama ni Katherine, ayaw na raw muna niya ng showbiz. Magpapaka-fulltime mom daw muna siya sa tatlo niyang anak.

Pero biglang okey na raw. So, nakipag-appointment kami kaagad. Nang kaharap na namin si Katherine, sa umpisa’y ilag pa siyang mapag-usapan si Coco at ang tungkol sa diumano’y pagpapabaya nito sa obligasyong dapat para sa kanilang anak. Sa katagalan, biglang ibinuhos rin niya sa amin ang lahat ng kanyang hinanakit at saloobin sa aktor na ama ng kanyang anak.

Simula maipanganak hanggang ngayon ay hindi pa raw nagkikita si Coco at ang anak nila. Pero alam nga raw ng bata na ang aktor ang ama nito.

“Kahit papano, masakit kapag nagtatanong siya,” ani Katherine. “Balang araw, magkikita rin sila pero hindi pa talaga ako ready ngayon, eh. At hindi ako naghahabol ng sustento. Kaya ko namang mag-isa, eh.”

Saan nga ba sila nagkakilala ni Coco at paano nagsimula ang love story nila? Ilang araw raw lang siya niligawan at naging sila na agad.

“Bakit naman ako magpapakiyeme-kiyemeng patatagalin pa ang panliligaw niya eh, gusto ko rin siya? Hindi naman sa easy to get ako. Kaso ang bilis no’ng sa amin ni Coco kasi araw-araw kaming magkasama.

“Pero siyempre, inalam ko muna. Mabait naman kasi si Coco. ‘Yon nga lang, hindi ko alam ‘yong mga nakatago. Siya kasi ‘yong tipo na tahimik, eh. ‘Di ba kapag tahimik daw, nasa loob ang kulo?” natawang biro pa ni Katherine.

“Pagkatapos no’n, ayan na – nabuntis ako. Tapos sabi ko – itutuloy ko. Umabot sa tatlong buwan ‘yong tiyan ko, kami pa rin. Ibinibili niya ako ng milk, vitamins, lahat ng kailangan para sa baby.

“Hanggang one night, matutulog siya sa bahay. Nakalimutan niya na ‘yong cellphone niya, nakakalat lang. May nabasa akong text galing sa isang girlfriend din niya. ‘Yon ang masama ro’n – may kasabay pala ako na girlfriend din niya, wala akong kaalam-alam. Nakalagay sa text, tinatanong daw ng nanay ng girl kung kailan siya pupunta sa bahay ng babae.

“Kinumpronta ko siya. Sabi ko, sana sinabi niya nang mas maaga na hindi lang pala ako ang karelasyon niya. Hindi ‘yong mabubuko ko kung kailan buntis na ako. So, nakipag-break ako sa kanya. No’ng time na ‘yon, parang nagpo-fall out of love na rin kami sa isa’t isa, eh.  Ako, naramdaman ko ‘yon no’ng nabuntis na ako.

“Tapos no’ng parang tinatalikuran na niya kami ng ipinagbubuntis ko, sinabi ko sa kanya na okey lang. Kumbaga, ‘yong bata, itinuturing kong kayamanan ko na akin lang talaga. ‘Yon ang dahilan kaya hindi ko ipinapakita sa kanya hanggang ngayon.”

Sa tingin niya, minahal din ba siya ni Coco o ginawa lang siyang past time hanggang sa mabuntis nga siya nito?

“Hindi ko alam. Baka na-enjoy lang niyang kasama ako. Pero almost seven months din ang itinagal ng relationship namin.

“After naming mag-break, nagpaparamdam pa rin naman siya. Nagti-text-text kami as friends. Pero wala na ‘yong tungkol sa balikan. Kumustahan lang bilang magkaibigan. Hanggang na-stop ‘yon kasi nalaman ng girlfriend niya at nag-away sila.

“Na-maintain ko pa rin ‘yong respeto ko kay Coco. Inilihim ko pa rin sa lahat na siya ‘yong tatay ng ipinagbubuntis ko.  Ayaw kasi niyang ipalabas sa publiko na siya ang tatay. Hangga’t maaari, pinapangalagaan namin ‘yong career niya.

“Hanggang sa hindi nakatiis ‘yong isang kaibigan ko, si Aliya Martel, siya na ang nag-open no’n sa public. Hindi ko na rin naitanggi kasi nga ang nagbuko ay ‘yong mismong kasama ko sa bahay, si Aliya nga. And hindi naman nakasira sa career niya ang tungkol do’n. ‘Di ba nagtuluy-tuloy pa nga ang magagandang break sa kanya hanggang ngayon?”

Mula nang ipanganak niya ang anak nila ni Coco hanggang ngayon na five years old na ang bata, ni minsan ay hindi raw talaga nagbigay ng financial support ang aktor.

“Wala. No’ng 8 or 9 months na ang tiyan ko, nakabili siya ng mga gamit para sa bata. Tapos nagbigay siya ng 10 thousand pesos para raw sa panganganak ko. Eh… saan makakarating ‘yong 10 thousand, ‘di ba? Iyon siguro ang sinasabi niyang sinusuportahan niya ang bata.

“Pinagsisisihan ko ‘yong nagmahal ako kay Coco. Pinagsisisihan ko kung bakit ko pa siya nakilala. Na bakit hinayaan ko ang sarili ko na ma-in love at makipagrelasyon sa kanya.

“Siguro kung hindi ko siya nakilala, baka nagtuluy-tuloy ang magandang takbo ng career ko. Baka mas nagkapangalan ako as an actress. Kasi do’n lang naman nagsimula ang pagsadsad ko no’ng nabuntis ako.”

After our interview, may iba pang reporters na nakausap si Katherine. May mataray pa nga raw na naging pahayag ang sexy star na something like – walang Coco Martin kung walang Katherine Luna. Dahil sumikat lang daw ang aktor nang mabulgar na may anak sa kanya.

Sori… pero kahit walang Katherine Luna, sisikat naman talaga si Coco dahil mahusay na artista ito. Hindi kaya siya ang gustong sumikat ulit ngayon at makabalik sa trabaho at the expense of Coco?

Also, siguro instead na pagdisikitahan ng kampo ni Coco ang mga nakaka-interview at nagsusulat ng mga sinasabi nga ni Katherine, harapin at kausapin na lang niya ang dating sexy actress at mag-effort na resolbahin ang problema sa pagitan nila maging ‘yong isyu tungkol sa sustento sa kanilang anak.

Naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

8 thoughts on “Katherine Luna, isinisisi kay Coco Martin ang pagsadsad ng career noon!

  1. infairness naman kay coco M. mabait talaga yan,,i know that guy,,schoolmate k siya nung HS,,taga capitol yan ,,rodel nacianceno ang name nya,,,and katherine luna hndi naman s nangunguna ako,,pero hndi kita kilala eh,,,i mean wag m sabhn n kung hndi dahil sayo eh walang coco martin,,tandaan m dugo at pawis ang puhunan ni coco martin kaya narating nya yan,,,cgro dapat m din sisihin ang sarili mo kung bakit hndi k gumamit ng proteksyon,,,,,

  2. nasa akotube.com yan si coco at katherine luna…hayup sa performance lalo na si coco….kaya bitter yan kasi bitin kay coco…sadsad sa career?…baka panay sisid sayo ni coco kaya nalanta ka na

  3. Hindi naman nakaapekto sa career ni Coco ang personal na buhay niya, magaling siyang artista kaya namin siya pinapanood. Bakit isisi kay lalaki ang pagbubuntis? Pagka-inlove at pagkakilala? Alangan namang pinilit lang siya? Hindi mangyayari kung hindi mo rin kagustuhan. Maliban na lang kung ikaw ay ni-rape.

  4. lahat tayo nagkakamali…malaking pagkakamali nya na nagpabuntis siya kay coco. di ko maintindihan sa ibang kababaihan, bakit nasasabi nilang aksidente lang ang pagbubuntis nila. they know how a woman gets pregnant duh! i mean at her age nung time na yun alam nya kung papaano mabuntis. ganun din si coco he should have used protection. para kasi sa kin mas dapat responsable ang babae ksi sila ang mabubuntis at sila talaga ang magsasuffer if ever mabuntis cla out of wedlock or kung ganyan na iwan sila ng tatay ng bata. sisihin nya rin sarili nya sa nangyari. she was given a second chance sa showbiz tapos na in love na naman siya at nabuntis uli. tapos iniwanan din sya ng kinakasama nya. now i think she has 3 kids. tapos meron din siyang iba pang nakasama na nagpalabas ng sex video nya. kung ikaw rin ang lalaki, seseryosohin mo pa ba yung ganung babae? given another chance, sana nga magpakatino na sya. di nya masisisi ang mga kamalasan nya sa ibang tao na siya rin lang ang gumawa. dapat magsumikap pa siyang makaahon at maitaguyod ang anak nya…

  5. i love coco hindi dahil sa private life nya kundi dahil sa galing nya at gwapo pa…

    kaya ikaw katherine luna, gumawa ka mn ng scandal na kahiy buntis ka eh nagawa mo pang manigarilyo at paglaruan ang prubadong parte ng katawan mo, laos ka na!!

    wag mo gamitin si coco….

    dapat ka lang iwan gurl… at salamat dahil kung di mo iniwan c coco, walang ramon o tonyong bayawak na nagpapaaliw sa akin dahil sa galing nya!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.