Katayan ng Carnap na Sasakyan, Natukoy sa GPS

 

PITONG KATAO, kabilang ang dalawang babae, ang nadakip matapos matutunton ng mga tauhan ng Highway Patrol Group at Bulacan PNP dahil lamang sa nakakabit na Global Positioning System o GPS sa makina ng kinarnap na sasakyan sa Antipolo City, Rizal kahapon ng mada-ling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Chief Insp. Ferdinand Germino, hepe ng Highway Patrol Group kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Eduardo Lagman, Sr.,46, ng Purok 4, Brgy. Gatbuca, Calumpit, Bulacan; Bong-bong Torres, 42, ng Brgy. Capalangan, Apalit, Pampanga; Rodel Solpicio, 26, ng Lawton, Manila; Erick de Guzman, 18, ng Novaliches, Quezon City; Jerry Felipe, 18, ng Baesa, Quezon City; Maria Luisa Samonte, 30, ng Bagong Barrio, Caloocan City; at Analiza Intes, 22, ng Masambong, Quezon City; habang tinutugis pa rin ang leader ng grupo na si Dingdong Torres ng Apalit, Pampanga at ang may-ari ng safehouse na si Carmeling Agulto ng Hagonoy.

Base sa inisyal na report na tinanggap ni P/Sr. Supt. Eliseo Cruz, regional chief ng HPG-3, dakong alas-11 ng umaga nang matukoy ang ilang na lugar sa Brgy. Sapangbayan, kung saan kinakatay ang mga kinarnap na sasakyan.

Nabatid na inabutan pa ng mga awtoridad ang hu-ling kinarnap ng mga suspek na sinisimulan nang katayin ang L300 FB deluxe na may plakang  TQT-694 na pag-aari ng Saint Peter Plans.

Ayon kay Rolly Adviento, 51 anyos, manager for fleet operation ng Saint Peter Plans, kinarnap ang kanilang sasakyan sa Saint Peter Chapel sa Cogeo, Antipolo City sa pagitan ng alas-3 hanggang alas-4 ng madaling-araw kahapon.

Nakumpiska mula sa safehouse ng mga suspek ang isang PUJ na may plakang TCX-857, isang motorsiklo at mga chop-chop na piyesa ng FB van at mga gamit sa pagkakatay ng sasakyan.

Nahaharap ngayon sa kasong carnapping ang mga suspek na kasaluku-yang nakakulong ngayon sa Camp Gen. Alejo Santos.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.