Katawan ng Pugot na Ulo, Natagpuan Na

BALIUAG, BULACAN – DALAWANG araw makalipas matagpuan ang pugot na ulo ng isang tao sa by-pass ng Brgy. Sto Cristo sa bayan ng Pulilan kahapon ng umaga, natagpuan naman ng isang streetsweeper ang katawan ng lalaki na walang ulo sa Brgy. Sabang sa nabanggit na bayan kahapon ng umaga.

Sa report na tinanggap ni P/SSupt. Fernando Villanueva,PNP Provincial Director, nakabalot sa kulay itim na garbage bag ang katawan na walang ulo ng lalaki na nasa edad 30-35 na natagpuan sa kahabaan ng DRT Highway.

Nabatid na kasalukuyang nagwawalis sa kalye ng DRT Highway si Jun Romero nang makalanghap ito ng mabahong amoy sa nabangit na lugar, kung saan agad niyang nakita ang nilalangaw na katawan ng lalaki, na putol ang dalawang kamay, subalit nakatali ito ng alambre,kabilang ang  kanyang mga paa.

Samantala, palaisipan pa rin sa mga awtoridad kung ano ang motibo sa karumal-dumal na pamamaslang sa biktima at kung sino ang nasa likod ng nasabing krimen.

(Tony dela Peña)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.