Katawan ng lalaki, humalo sa mixer ng longganisa

San Jose del Monte City, Bulacan – Mistulang karne ng giniling na hayop nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki, na umano’y nilamon ng makinang panggiling sa karne ng baboy na ginagawang longganisa sa nabangit na lungsod kahapon ng umaga.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-10:30 ng umaga nang matagpuan ang giniling na katawan ng biktima habang nasa loob ng mixer, sa Brgy.Tungkong Mangga.

Kinilala ni P/Supt. Boy Hernandez ang nasawing biktima na si Rodel Cacho, nasa hustong gulang,stay-in longganisa-maker ng N. Toledo Longganisa,ng Blk-7 Lot-10 S.T. A. Ave., Pesconville Subd., Brgy. Tungkong Mangga.

Nabatid na araw-araw ang pagtatrabaho ng biktima sa nabanggit na pagawaan, kung saan aksidenteng kainin ng matalim na blade ng mixer ang kanang kamay nito hanggang sa lamunin ng nabangit na makina ang katawan na umabot hanggang sa kanyang ulo.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis sa may-ari ng nabanggit na pagawaan ng longganisa, kung may kapabayaan ba sa pagkamatay ng biktima.      (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.