Katawan ng construction worker sumiklab sa kuryente, 1 pa sugatan

MISTULANG ALITAPTAP ANG katawan ng isang construction worker nang sumiklab ito makaraang makuryente habang isa pa ang sugatan habang nagtatrabaho sa isang unibersidad sa Roxas City, Capiz.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Roger Patagani, 18 anyos; habang ginagamot pa si Rommle Barlas, 30 anyos, pawang residente sa Fuentes Drive sa nasabing lungsod.

Nakasaad sa journal/blotter ng Roxas City PNP, alas 4:30 ng hapon noong Lunes nang umakyat ang mga biktima na magpinsan sa bubu-ngan ng Capiz State University upang kumpunihin ang gutter ng naturang paaralan.

Subalit nawala sa balanse si Patagani at aksidenteng nahawakan ang live wire. Dahil sa tindi ng impact ay tumilapon ng ilang metro ang mga biktima.

Ayon sa mga saksi, nakita pa nila na tila umilaw na parang alitaptap ang katawan ni Pagani bago tumilapon.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.