Katarantaduhan ng Comelec

HINDI LANG MINSANG nangyari ang mga kapalpakan ng Commission on Elections sa pamamahala ng halalan dito sa ating bansa. Pero sa tuwina, may “rason” na ibinibigay ang mga hinayupak na ito.

Ang dahilan, parekoy, kaya hindi nauubusan ng katuwiran ang mga lintek ay dahil hindi maubos-ubos ang kanilang kapalpakan!

Tingnan na lang natin ang katatapos lang na barangay at SK election, kung saan sa napakaraming bayan ay alas-10 na ng umaga nag-umpisa ang botohan.

Sa ibang mga lalawigan naman, lalo na sa Bicol Region, Martes na (Oct. 26) ginanap ang botohan.

Dito na lamang sa Metro Manila, umiral na naman ang sinaunang sakit ng election… ang nawawalang mga pangalan ng botante sa list of voters.

Tang’na namang “kamalian” ‘yan, hindi isa, lima, sampung beses lang naganap.

Sa tuwing election na lang, parekoy, nangyayari ‘yan… aba eh, “kagaguhan” na ‘yan!

Una nating targetin ang pagka-“delay” ng delivery or distribution ng “election paraphernalia” tungo sa iba’t ibang lalawigan.

Gaya nang naganap sa Bicol kung saan nagka-aberya pala ang trucking na sinakyan ng nasabing kagamitan.

Wala man lang contingency plan ang Comelec!

Ni hindi agad nakapag-hire ng panibagong “trucking” para maihatid sa tamang oras ang election paraphernalia!

O kaya ay mayroon nang “alternatibong” plano bago pa man ipinahatid ang mga ito para alam na agad kung ano ang gagawin sakali mang magkaaberya!

Pangalawa, gahol daw sila sa oras ng paghahanda sa imprenta ng mga gagamitin sa election.

Buwisit talaga! Noong mga nakaraang buwan, habang pinag-uusapan kung dapat bang ituloy o i-postpone ang halalan dahil nga katatapos pa lang ng May elections… noong tinanong ang Comelec, ang sagot nila ay kaya nila!

Ngayong napatunayan na hindi pala sila handa eh, andami pang palusot!!!

Isa pa, parekoy, sa palusot ng Comelec kaya raw delayed ang printing ng paraphernalia, dahil sa kade-debate ng mga senador at congressman kung itutuloy ba talaga o hindi ang barangay at SK election.

Lintek na palusot ‘yan! Maliwanag, parekoy, ang kanilang katuwiran noon na kung batas ang babasehan ay dapat may election sa Oct. 25, at kahit anong debate daw sa Kongreso at Senado ay hindi sila maaaaring patigilin hangga’t walang “inaprubahang batas” na magpapaliban nito.

Ganu’n naman pala eh, dapat, habang nagde-debate ang mga mambabatas ay patuloy lang ang pesteng Comelec sa pag-imprenta.

At kung magkaroon na ng aprubadong batas para kanselahin ang election ay saka lang sila tumigil!

Ang anumang losses ay hindi maaaring ibunton sa kanila ang sisi dahil sumusunod lang sila sa batas!!!

Ayaw pang aminin kasi ng mga impaktong ganid d’yan sa Comelec na kaya atat na atat sila na laging may election dahil nagkakapera sila!

Tingnan n’yo, parekoy, ‘yung bago lang na anomalya sa pagbili ng mga bagong “ballot boxes,” mahigit kalahati ang itinaas sa presyo!

Ang dating mahigit 1,000 na presyo lang per box, ngayon ay mahigit 3,000 each!

Ang masakit, parekoy, libu-libong ballot boxes pala ang naka-istak lang sa bodega ng Comelec!

Tang’na kayong mga opisyal ng Comelec, mangungurakot lang kayong mga animal kayo eh, andami n’yo pang palusot! Hmp!!!

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.