Katangahan sa batangas at iligal na sugal sa Pasay

 

GAYA NG SA Hollywood, ang Taal Volcano ay tatayuan sana ng provincial government ng Batangas ng mala-higanteng mga letra ng BATANGAS. Ang kaso, marami ang umalma sa nasabing plano.

Ang pangunahing dahilan, may batas tayo na hindi maaaring magtayo ng anumang istraktura malapit sa anumang bulkan. ‘Ika nga, eh, prohibited zone.

At dahil nga sa may mga umalma, kaagad dumipensa sina Gov. Vilma Santos-Recto at Vice Gov. Mark Leviste. Kesyo plano pa lang naman, katunayan, ayon pa sa dalawang opisyal ay wala pa namang pondo ang proposed project na ito.

Nanggagalaiti talaga, parekoy, sina Santos at Leviste. Bakit daw kinukontra agad ang kanilang plano!

‘Tangnang buhay na ito oo, kailan kaya nila gustong kontrahin ang nasabing plano, kung naumpisahan na?! Kung nakagastos na ang pamahalaan? Kung nakagawa na sila ng labag sa batas?

Sasabihin na naman nila, bakit ngayon lang inalmahan ang nasabing proyekto kung kailan naumpisahan na. Bakit hindi ito kinontra noong pinaplano pa lang! Letseng buhay na ito, parekoy!

Lagi na lang sila ang magaling! Pati sa katangahan, sila pa rin! Ehek!

S’yanga pala, pa-Ingles-Ingles pa itong si Vice Governor Mark Leviste habang nililitanya ang kanilang bugok na argumento. Ipinagdiinan pa nito na “hindi naman kami tanga para gawin agad ang proyektong ito”!

Asus, hindi ba kayo tanga? Ha? Ginoong Leviste? Hindi ka tanga? Ala, eh, ‘yung plano pa lang ninyo, isang malaking katangahan na!

Sino ngayon ang gusto mong palabasing tanga? Ako? Hindi ba’t kayo ang nagplano ng isang malaking katangahan! Hak, hak, hak!

 

PATULOY ANG PANANAHIMIK ni Pasay City Chief of Police S/Supt. Melchor Reyes sa kabila ng naglipanang iligal sa kanyang area of responsibility. Gaya na lang ng nagkalat na iligal na droga, putahan at mga iligal na sugalan.

Sa totoo lang, parekoy, ayaw kong maniwala na kumikita si Kernel sa nasabing mga iligal na naglipana sa Pasay. Kaya lang, mapilit ang ating tawiwit na talagang may lingguhang parating ang mga iligalista kay Hepe.

Wala rin umanong magagawa si Chief, dahil may basbas ang mga ito mula kay Mayor Antonio Calixto! Lalo na raw ang operasyon nina Aging Lisan, Carlo Taba at Boy Corcuera!

Maging kay SPD Director Arme delos Santos ay may bendisyon ang operasyon ng mga demonyong iligalista. Ayon pa rin sa ating tawiwit, si P02 Jiggs Servillon ang nagpapaabot kay DD.

Naku, ha?! Tingnan natin kung palalagpasin ito ni NCRPO Chief, Gen. Alan Purisima. Pakisampulan nga ang mga kumag na ito Gen. Purisima!

 

MAKINIG SA AKING programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: junbriones69@yahoo.com; call or text 09321688734. 

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.