Kasunduan sa Saudi: Pang-aabuso sa mga Pinay, Maiibsan

ITINUTURING NA makasaysayan ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia (KSA) na naglalayong protektahan ang libu-libong kababaihan na biktima ng pananamantala.

Ayon kay DoLE Sec. Rosalinda Baldoz, ang kasunduan ay naggagarantiya sa mga Pinay domestic helpers na mabigyan ng benepisyo gaya ng day off.

Dahil sa panibagong hakbang ng dalawang bansa, umaasa si Baldoz na mababawasan na ang kaso ng pang-aabuso sa mga manggagawang Pinoy.

Samantala, tinatayang nasa 60,000 domestic helpers mula sa kabuuang 670,000 Pinoy sa Saudi Arabia ang mabebendisyunan ng nasabing kasunduan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.