Kasunduan Bago ang SONA ni PNoy: MILF, ‘Di Kumbinsido

HINDI KUMBINSIDO ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na may mapagkakasunduan ang pamahalaan ng Pilipinas at ng kanilang grupo bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Benigno ‘Noynoy’ Aquino III sa Hulyo 22, 2013.

Ito ang naging reaksyon ni MILF 1st Vice Chairman Ghadzali Jaafar kaugnay sa sinasabi ng Palasyo na muling mag-uusap ang magkabilang grupo sa susunod na buwan.

Ipinaliwanag ni Jaafar na walang natanggap na imbitasyon ang kanilang panig kaugnay ng sinasabing muling pagpupulong bago ang SONA ng Pa-ngulo.

Samantala, umaasa pa rin si Jaafar na may mapagkakasunduan pa rin ang magkabilang panig upang matuldukan na ang karahasan at makamit ang matagal na ring inaasam na kapayapaan sa rehiyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.