Kasong Perjury sa Maling SOCE, Ibinabala ng Comelec

NAGBIGAY-BABALA SI Comelec Chairman Sixto Brillantes ng kasong perjury sa mga mali-mali pa ring statement of contribution and expenditures (SOCE), sa kabila ng kanilang sapat na panahong ipinagkaloob.

Maaalala na kamakailan ay naglabas ng resolusyon ang poll body na nag-aatas sa mahigit 400 pulitiko na bumaba sa pwesto dahil sa mga kulang at maling impormasyon sa kanilang mga SOCE para sa nagdaang 2013 elections.

Kasama sa mga inakusahang may maling SOCE ay sina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Laguna Gov. ER Ejercito, Batangas Gov. Vilma Santos-Recto at iba pa.

Sinabi ni Brillantes na hindi maaaring bale-walain ang kanilang mga panuntunan dahil ito ay pinanumpaan noong naghain ng kandidatura ang mga pulitiko.

Kung sakaling ma-patutunayan umanong minali ang detalye ng SOCE, kakasuhan nila ang mga ito ng pagsisinu-ngaling o perjury na may kauukulang parusa.

Samantala sa panig ng Kamara, binibigyan lamang ni House Speaker Feliciano Belmonte ang mga kapwa mambabatas na ayusin ang kanilang mga dokumento hanggang ngayong araw.

Napag-alaman naman na 20 kongresista ang nadawit ang pangalan sa nasabing isyu ng mali at kulang na SOCE.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.