Kasong isinampa ni Ara Mina laban kay Cristine Reyes, ibinasura ng korte?!

PARANG WALA na tayong balita tungkol sa kasong isinampa ni Ara Mina laban sa kapatid niyang si Cristine Reyes?

‘Pag tinatanong si Ara tungkol du’n, wala pa siyang masasagot. pero nitong bandang huli, parang iba na ang sagot niya na alanganin lang siyang sabihin kung ano talaga ang nangyari.

Ang latest kasing narinig namin, ipinarating na raw nila ang kaso sa DOJ. Hindi pa muna nagsalita si Ara tungkol diyan dahil mabuting ang abogado na lang daw niya ang magsalita.

Basta ang sabi lang niya, hindi raw siya makapaniwalang hindi pa rin fair ang iba.

Medyo malabo nga ang sagot, dahil siguro nag-iingat din muna siya dahil kaso itong pinag-uusapan.

Pero nabasura ba ‘yung isinampa niya sa Quezon City Prosecutor’s Office?

Abangan n’yo na lang ang kabuuan ng kuwentong ‘yan sa Startalk namin bukas.

Nakausap kasi si Ara ng Startalk sa premiere night ng Menor de Edad nu’ng kamakalawa ng gabi at natanong na rin ang tungkol sa relasyon nila ng Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Itinatanggi nito ang usap-usapang nagpakasal na raw sila sa Hong Kong. Magkasama kasi sila nu’ng nakaraang Bagong Taon na nagliwaliw sa Hong Kong. Pero bakasyon lang daw ‘yun, at wala naman daw kasal na nangyari.

Sabi nga niya, kung gusto nilang magpakasal, bakit sa Hong Kong? Kung sakali, gusto naman daw niya sa romantic na lugar gaya ng Rome o saan man sa Europe.

Pero wala pa raw talaga, although gusto na nga ni Ara na malagay na sa tahimik.

Hindi lang daw niya masasabi kung kailan, malay raw natin baka this year din.

 

NGAYONG ARAW pala ang dedication o binyag na rin ng anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence na si Baby Katie.

Gaganapin ito sa Oasis, at ilan sa mga tatayong ninong at ninang ay sina Marian Rivera, Mark Herras, Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, JayR, Billy Crawford at ilan pang malalapit na kaibigan nila ni Kris.

Alam ko kasama rin si Yasmien Kurdi pero hindi pa sure ni Katrina nu’ng tinanong namin ito dahil dadalawin pa lang daw niya ito. Kung sakali, magkikita-kita sila roon dala na ang mga baby nila. Malaki na ang kay Jennylyn, maliit pa itong kina Katrina at Yasmien, pero nakakatuwa na silang tingnan. Sabi nga ng mga staff ng Starstruck, ang dami na raw nilang apo.

Hindi lang sure na makadadalo si Marian dahil ang alam ko nasa Cebu sila niyan para sa Sinulog event doon.

Pero masayang-masaya si Katrina dahil sa bago niyang role bilang mommy ni Baby Katie. Ang laki na nga nang ipinayat niya dahil naghahanda na ito sa pagbabalik niya sa showbiz. Dumalaw siya sa GMA 7 nu’ng nakaraang Miyerkules para makipagmiting dahil puwede na raw siyang bumalik sa trabaho. Kaya naman niyang gawin ito kahit siya mismo ang personal na nag-aalaga sa baby.

Abangan n’yo sa Startalk ang coverage namin ng binyag ng baby ni Katrina at Kris.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Kasong isinampa ni Ara Mina laban kay Cristine Reyes, ibinasura ng korte?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.