Kaso Vs Smartmatic, Pagkatapos Pa ng May Poll

HINDI UMANO magdadalawang-isip ang Commission on Elections (Comelec) na sampahan ng kaso ang kumpanyang Smartmatic International Corp., saka-ling mabigo itong ayusin ang ilang gusot sa gagamiting precinct count optical scan (PCOS) machines para sa halalan sa Mayo

Sa isang pahayag, aminado si Comelec Chairman Sixto Brillantes na nabigo ang nasabing kumpanya na ipatupad ang ilang “minor enhancements” sa makinang gagamitin.

Binigyang-diin pa nito na saklaw ng kanilang “option-to-purchase contract” ang nabanggit na mga pagbabago kung kaya’t dapat umano itong ibigay ng kumpanya.

“P’wede naming idemanda ang Smartmatic kasi nasa option-to-purchase contract namin ‘yong mga enhancements. Dapat ibigay nila,” ayon sa opisyal.

Gayuman, aminado rin si Brillantes na sakali mang idulog ng Comelec sa korte ang usapin, kailangan pa aniyang hintaying matapos ang eleksyon para hindi maapektuhan ang kanilang paghahanda.

Samantala, tiniyak din ng opisyal na nai-deliver naman ng Smartmatic ang mga “major enhancements” na kakailanganin ng Comelec para sa matiyak na maayos ang darating na eleksyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.