KASO VS ECHIVERRI AT KAY P02 VIRA

MASAMANG SENYALES ITONG kasong isinampa sa Ombudsman laban kay Ricojudge “RJ” Echiverri.

Ibig sabihin, kasisimula pa nga lang o kumbaga ay “greenhorn” pa nga sa larangan ng pulitika ang batang ito ay nasampal na agad siya ng asunto sa Ombudsman.

Sa bagay, parekoy, masuwerte ang mga ganitong “breed” dahil maliban sa “golden spoon” na kanilang kinamulatan, hindi na rin sila naghirap upang magpundar ng pangalan at serbisyo bago pumasok sa pulitika.

Bakit kamo? Si RJ Echiverri, parekoy, ay anak ni Caloocan City Mayor Recom Echiverri… kaya nga masasabi nating mistulang “inihain sa ginintuang pinggan” ang mga posisyong kanyang hinahawakan at tinatamasa ngayon.

Dahil ang utak ng lahat ng ito ay ang kanyang amang si Mayor Recom Echiverri.

Balikan natin, parekoy, itong asunto sa Ombudsman na isinampa ni Brgy. Chairman Jerrboy L. Mauricio laban kay RJ Echiverri.

Nag-ugat umano ito sa pagmamanipula ng batang Echiverri sa naganap na Liga election kung saan ang mga Brgy. Chairperson ng Caloocan ay binitbit ni RJ papunta sa kanilang beach resort sa Laiya, San Juan, Batangas.

Ang nasabing hakbang ayon kay Mauricio ay maliwanag umano na isang paglabag sa batas dahil ginamit ito ni Echiverri upang maimpluwensiyahan ang nalalapit noong Disyembre 5, 2010 na election sa Liga ng mga Barangay.

Ang nakagugulat, parekoy, ay ang pakikipagsabwatan diumano nina DILG Caloocan City Director Jay Timbreza, Comelec representative Atty. Dinah Valencia at NGO representative Teresita Sagum.

Sana naman, parekoy, hindi totoo itong mga alegasyon laban sa batang Echiverri dahil ‘pag nagkataon, baka matupad ang sinabi noon ni dating Manila Mayor Arsenio Lacson… “so young yet so corrupt”!!!

DAPAT NA SIGURONG makialam si PNP Chief Director General Raul Bacalzo rito sa kaso ng isang gagong pulis-Malabon.

Matatandaan, parekoy, na sinampahan ng patung-patong na kaso itong si P02 Ronald Vira na naka-assign sa Malabon PCP-6 kaugnay sa ginawa nitong pambabangga ng motorsiklo at pamamaril sa mga nagkakasayahang mga tao sa may Purok Sto. Niño, Brgy. Concepcion, Malabon City noong bago maghiwalay ang taon.

Maliban, parekoy, sa lantarang pagmamaniobra sa mga kaso laban kay P02 Vira kung saan maliwanag umanong tinutulungan ito ng kanyang opisyal na si Tenyente Padilla, aba eh nananakot pa at nagyayabang ang demonyong ito!

“Subukan ninyong hindi iatras ang kaso at tiyak na may paglalagyan kayo sa akin, huwag ninyo akong susubukan.” Ito umano, parekoy, ang mga salitang ipinahatid ni P02 Vira sa kanyang mga complainant.

Ang yabang mong hinayupak ka!!! P02 ka pa nga lang na animal ka, sobra na ang yabang mo… lalo na siguro kung naging P. 0. Ten ka pa. Ehek!!!

INAANYAYAHAN KO PO kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA Kinse Trenta mula Lunes hanggang Biyernes tuwing alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa dzme 1530 kHz (dulong kanan ng inyong talapihitan).

Sa programang ito ay inyo pong maririnig ang PAREHAS at WALANG TAKOT na pambabatikos sa mga kagaguhan ng mga taong gobyerno!!!

Maari rin ninyong i-text ang anumang sumbong o reaction sa 0915-2121303 o mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.