Kaso sa Tsekeng Walang Pondo

Dear Atty. Acosta,

MERON PO akong inuta-ngang tao at nagpapatubo ng 10% monthly at bilang guarranty ay nag-issue po ako ng checks pero sa ‘di inaasahang pangyayari ito ay hindi ko napondohan. Nakipag-usap na po ako sa kanya na huhulugan ko na lamang dahil sa kami ay dumaranas ng krisis ngayon. Pero lagi pa rin niya akong tinatakot na idedemanda. Makukulong po ba ako dahil dito, kahit nagbabayad ako sa kanila paunti-unti? Criminal case po ba iyon o civil? Ano po ba ang dapat kong gawin para hindi na umabot sa hindi maganda ang lahat?

Soledad

 

Dear Soledad,

ANG HINDI mo pagdedeposito ng pondo para sa tsekeng iyong ibinigay bilang garantiya sa iyong utang ay magiging sanhi ng pagtalbog nito sa oras na ito ay ipapapalit o ipa-encash sa bangko. Kung ganito ang mangyayari, maaari kang ireklamo sa paglabag sa Batas Pambansa Bilang 22 (BP 22), ito ay isang kasong kriminal. Ipinagbabawal ng nasabing batas ang pag-iisyu ng talbog na tseke. Itinatakda rin ng batas na ito ang karam-patang kaparusahan na pagkakulong at/o multa ng sinumang lalabag dito.

Ganun pa man, kung ang nasabing tseke ay ipina-encash o pinapalitan sa bangko pagkaraan ng siyamnapung (90) araw, mula sa petsang nakalagay rito, hindi na saklaw ng nasabing batas ang transaksyong ito. Samakatuwid, hindi na mapaparusahan ang taong nag-isyu ng tseke sa sandaling ito ay tumalbog, kung ito ay hindi ipina-encash sa loob ng nasabing panahon. Subalit, hindi naman ito nangangahulugan na wala na siyang obligasyong bayaran ang halagang nakalagay sa nasabing tseke.

Kung ganito ang iyong sitwasyon, maaari ka pa ring masampahan ng kaso, subalit ito ay kasong sibil na lamang para obligahin ka ng korte na bayaran ang iyong utang. Kung ito ay ginagawa mo na, maaaring maging walang saysay ang paghahain ng kasong sibil sa korte sapagkat ikaw ay nagbabayad naman na.

Sa kabilang banda, kung ang tseke ay napasuklian sa loob ng nasabing panahon at ito ay tumalbog, maaari kang sampahan ng kasong kriminal sa paglabag sa BP 22. Sa sandaling ito ay maisampa na sa korte, itinuturing ng batas na ang sibil na aspeto nito ay kasama na ring naisasampa.

Kaugnay nito, mas makakabuti pa ring ipagpatuloy mo lamang ang iyong pagbabayad sa taong nagpautang sa iyo hanggang ito ay mabayaran mo na at makiusap na huwag ka nang sampahan ng kaso.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

2 thoughts on “Kaso sa Tsekeng Walang Pondo

  1. attorney..ano po ba ang laban ko kasi nkpag issue po ako ng tseke sa kinuhanan ko ng farm equipments post dated cheque po at hndi ko ito napondohan sapagakat dumadaan kami sa krisis pero nakikiusap nmn ako na bigyan ng pnahon at mai settle ito.pero ngpupumilit sya na idemanda dw po ako.ano poba ang dapat kong gawin

  2. attorney acosta pls help po, ako po ay ng punta ng taiwan at ung pg placement ko ay inutang ko sa lending sa tulong ng agency ko, pero sa hindi po inaasahan ako po ay umuwi dahil narin po sa trato sakin,, ngayon po ako ay me utang pa sa lending at dinagdagan pa po nila at p nag issue po nila kami ng tseke pero alam po nila na walang lang laman yun kasi po sila ang ng indorse nun sa bangko. ano po ba ang dapat kong gawin isa pa po nalaman ko po na ang agency ay ng singil samin ng napaka laki placement fee,, hindi na po ako makatulog sa gabi hindi ko po alam ang gagawin ko maraming salamat po.. 
    leah

Leave a Reply

Your email address will not be published.