KASO PA, ISASAMPA SA KILLER NG BIR-RDO

RIZAL – PINAG-AARALAN NA ngayon ng piskalya kung sasampahan pa ng kasong “Obstruction of Justice” ang may-ari ng motorsiklo at pamangkin ng prime suspect sa pananambang at pagpatay sa Revenue District Officer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong nakalipas na linggo sa Antipolo City.

Sinabi ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto na masusing nirerebisa ni Antipolo Assistant City Prosecutor Christian Bangi kung dapat pang sampahan si Andy Carino matapos na lumabas sa imbestigasyon na nagpa-blotter ito sa Station 6 ng Marikina City PNP.

Si Carino ay nagpa-blotter dakong alas-10:30 ng umaga ilang oras matapos na mapatay ang BIR-RDO na si Marcelino Yap, kung saan ay nawawala umano ang kanyang motorsiklo simula pa ng alas-7:30 ng umaga.

Matatandaang pinagbabaril si Yap habang naglalakad sa tapat ng L &M Grills sa kahabaan ng Marcos Highway , Brgy. Mayamot, Antipolo City malapit sa pinapasukang opisina dakong alas-8:45 ng umaga.

Tumakas ang suspek sakay ng Honda Bajaj na walang plaka subalit binangga ng driver ni Yap na mismong nakasaksi rin sa krimen at napilitang iwan ang motorsiklo na siyang naging ebidensiya laban sa mga Carino.

Samantala sinabi pa ni Prieto na ang suspek ay isang “professional hired killer” dahil sa istilo nito kung saan matapos pagbabarilin ang biktima ay walang anumang isinukbit ang baril saka tumakas.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.