Kaso ni Tundok, no effect sa PH deal

SINIGURO NANG pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na walang epekto sa isinusulong na Bangsamoro peace agreement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas ang pagkakadakip ng mga government security forces sa isa nilang top leaders.

Sinabi ni MILF vice chairman for political affairs Ghadzali Jaafar na iniutos na ng kanilang central committee sa 118th Base Command, na maging kalmado matapos madakip ang kanilang pinuno na si Commander Wahid Tundok.

Ipinauubaya rin umano ng kanilang grupo sa joint ceasefire committee ang pagsisiyasat sa insidente.

Si Tundok ay sinasabing galing sa Camp Darapanan sa isang pagpupulong kasama si MILF Chairman Aljads Murad Ibrahim nang ito ay masabat ng mga kinauukulan dahil sa kinakaharap na mga kaso.

Sinabi naman ni ARMM-CIDG chief Supt. Jovit Culaway na kanilang dinakip ang MILF leader sa bisa ng court warrants, bunsod nang isinagawa nitong pagsalakay sa ilang military positions noong 2000, 2003 at 2008.

Napaslang naman ang kasamahan ni Tundok na si MILF commander Yusoph Kusain alias Commander TMX nang manlaban sa mga awtoridad.

Sa panig ng pamahalaan, binanggit ni presidential adviser on the peace process Sec. Teresita Deles na mayroong umiiral na mekanismo ang Joint Coordinating Committees on the Cessation of Hostilities para maresolba ang insidente.

“This is already under discussion with the MILF and with our security forces. Fortunately, we have tried and tested mechanisms in place to facilitate a mutually acceptable resolution of the issue hopefully at the earliest time possible,” pahayag ng kalihim.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.