Kaso ni ex-Mayor Cuerpo et al, diringgin na

MATAPOS ANG MATAGAL na paghihintay ay nakatakda na ring simulan ang pagdinig sa kaso ni dating Rodriguez, Rizal Mayor Pedro Cuerpo at mga kasama han nito.

Ang pagdinig ay itinakda ng Rodriguez Regional Trial Court branch 77 sa darating na August 23, 2011.

Matatandaan na ang dating alkalde kasama sina dating konsehal Aileen Quien Fernandez, Richard Buizon, Romelito Bunag, at Alberto Carrasco ay binabaan ng warrant of arrest ni Judge Lily Villareal-Biton, ngunit agad na nakapaglagak ng piyansa.

Taong 2008 nang sapilitang pasukin ng grupo ni Cuerpo ang municipal hall habang nasa kasagsagan ng kanilang anim na buwang suspension.

Sa nasabing insidente ay nagtamo ng sugat ang isang kawani mula sa bala ng baril na nanggaling umano sa tauhan ng alkalde at nawasak ang ilang mahahalagang kagamitan ng pamahalaang bayan.

Itinakda naman ni Judge Bito ang pre-trial conference ng kaso sa darating na June 3, 2011.

Maliban sa kasong kinakaharap ng dating alkalde ay mayroon din itong ibang kasi sa Ombudsman kasama ang ilang opisyal ng bayan. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.