KASO NG DENGUE, MAHIGIT 60,000 NA

MALAKI ANG posibilidad na tataas pa ang bilang ng mga tinamaan ng nakamamatay na sakit na Dengue kung isasawalang-bahala ng mga mamamayan ang paalala ng Department of Health (DoH).

Sinabi ni DoH assistant secretary Dr. Eric Tayag na itinuturing kasing nasa peak months ang mga buwan ng Agosto hanggang Setyembre, kung saan mas marami ang tinatamaan ng naturang sakit.

Matapos ang baha ay tiyak na dumami ang breeding area ng mga lamok na maaaring makadagdag sa sanhi ng paglobo ng Dengue-carrying mosquito na aedes aegypti, ayon pa kay Tayag.

Payo ng opisyal, panatilihing malinis ang kapaligiran at tiyaking nakataob ang mga bagay na maaaring pamugaran ng mga lamok.

Base sa pinakahu-ling talaan ng Health department, umaabot na sa 62,040 ang mga tinamaan ng Dengue ngayong taon habang 400 ang kumpirmadong nasawi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.