Kaso ng cervical cancer, tumataas 12 kababaihan sa ‘Pinas ang namamatay, araw-araw

PARA MAIWASAN ANG pagtaas ng bilang ng mga kababaihan na namamatay araw-araw dahil sa Cervical Cancer, kung saan labing dalawang kababaihan ang nasasawi, isang pribadong grupo na kinabibilangan ng mga negosyante at espesyalistang doktor ang nagsagawa ng programa para maisulong ang paglaban sa naturang malalang sakit na siyang ikalawa sa mga malalang sakit na dumadapo sa mga kababaihan.

Tumungo sa CAMANAVA area ang Gieser Maclang, upang “Isulong ang Laban ni Maria”. Ang adbokasiyang ito ay programa kontra Cervical Cancer na siyang unti-unting pumapatay sa mga kababaihan at isa na rito ang lungsod ng Caloocan ang kanilang nilusob at isinagawa ang programa sa Bulwagang Katipunan, Caloocan City hall kamakalawa ng hapon.

Halos mapuno ang Bulwagan ng mga kababaihan, nang lusubin ito ng mga kababaihan kabilang na ang mga residente at empleyado ng city hall.

Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Cervical Cancer Prevention (CECAP) Ms. Zeena H. Abellanoza, Regional Business Manager at Ma. Socorro Bernardino, M.D kung saan tinalakay kung papaano maiwasan ang pagkakaroon ng Cervical Cancer at isa sa pinagmumulan nito ay ang pakikipagtalik sa kapareha o sa asawang lalaki na gumagamit ng iba’t ibang babae, kung saan doon nakukuha ang bacteria at naisasalin na lamang sa ka-partner, ito ay ang Human Papilloma Virus o HPV na pinagmumulan ng cancer.

Kaugnay nito, nanawagan ang grupo sa mga kababaihan na panatili-hing malinis at palakasin ang resistensiya para hindi agad dapuan ng nasabing sakit at para mas makasiguro ay ugaliing magpakonsulta sa kani-kanilang OB-GYNE, pap smear, at mas makabubuting magpabakuna ng tatlong beses na siyang pangunahing panlaban sa Cervical Cancer.

Ayon pa sa rekord ng World Health Organization (WHO), higit sa 7,000 ang naire-report na mga bagong kaso kada taon, kung saan halos kalahati rito ay namamatay at hindi na rin umaabot sa limang taon ang buhay na siyang ibinigay na taning.

Ang mga babaeng may edad 10 ay maaari na ring magpabakuna kontra Cervical Cancer.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.