Kaso ng AH1N1 sa Baguio, Patuloy na Tumataas

NABABAHALA NGAYON ANG maraming mamamayan sa lungsod ng Baguio dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng mga nagkakasakit ng AH1N1 virus.

Base sa ipinalabas na ulat, mula Enero hanggang Oktubre ng kasalukuyang taon ay umaabot na sa 118 katao ang positibo sa naturang sakit. Inaasahang tataas pa ito ngayong buwan ng Nobyembre lalung-lalo na sa buwan ng Disyembre at Enero dahil sa unti-unting pagbaba ng atmospera sa mga buwang nabanggit.

“Tumataas ang incidence kapag malamig. Ang virus, twice better kapag malamig kaya madaming nagkakahawaan,” paliwanag ni Dr. Myrna Cabotaje, regional director ng Department of Health-Cordillera Region.

Nabatid na karamihan sa mga apektado ng naturang sakit ay mga bata dahil mas mahina ang kanilang resistensya at mas madaling mahawa.

Ang payo ni Cabotaje, huwag palabasin ng bahay ang mga pasyenteng apektado ng AH1N1 para hindi na makahawa. Sa halip ay pagpahingahin na lang ito sa loob ng bahay para sa mas mabilisang paggaling.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.