Kaso ng adultery

Dear Atty. Acosta,

AKO PO ay isang kawani ng gobyerno na may asawa at anak. Tatlong taon na kaming hiwalay ng asawa ko at sila ay nakatira sa aking biyenan. Nakakasama ko lamang ang anak ko tuwing Sabado at Linggo. Kasalukuyang may iba nang kasintahan ang asawa ko, at ako naman ay walong buwang buntis sa dati kong naging kasintahan. Hindi kami nagsasama ng dati kong kasintahan at ang totoo ay gusto ko lamang magkaroon ng anak. Sa ngayon ay naghihintay na lamang ako ng reklamo mula sa asawa ko. Ang sabi kasi sa akin ng mga kakilala ko ay ang asawa ko lamang daw ang maaaring magsampa ng reklamo laban sa akin, bagaman patuloy akong sinisiraan ng biyenan ko.

Ang gusto kong malaman ay kung mayroon ba akong karapatan na hindi sabihin kung sino ang ama ng aking ipinagbubuntis? Sa lugar namin nakatira ang ama ng dinadala ko at naaawa ako sa kanya dahil nadadamay siya sa paninirang ginagawa ng biyenan ko. Sana po ay matulungan niyo ako.

Maraming Salamat,

Myra

 

Dear Myra,

BAGAMAN HINDI na kayo nagsasama ng iyong asawa, mayroon pa rin kayong obligasyon sa isa’t isa na manatiling matapat at nagmamahalan habang may bisa pa ang inyong kasal. Ang obligasyong ito ay hindi humihinto o tumitigil sa paghihiwalay ninyong mag-asawa.

Sa iyong kasalukuyang sitwasyon, ikaw lamang ang makapagsasabi ng totoong katauhan ng ama ng batang iyong dinadala. Kung hindi mo nanaisin na ipaalam

kung sino ang ama ng iyong dinadala, ang iyong magiging anak ay kikilalanin bilang lehitimong anak ng iyong asawa sapagkat ayon sa ating batas, “Children conceived or born during the marriage of the parents are legitimate. x x x” (Article 164, Family Code of the Philippines) Ang probisyon ng batas na ito ay nagbibigay ng konsiderasyon sa magiging kapakanan ng bata at kung ano ang higit na makakabuti sa kanya.

Subalit hindi ibig sabihin nito na wala nang karapatan ang iyong asawa na kwestiyunin ang legitimacy ng nasabing bata matapos na siya ay maisilang, lalo na kung walang paraan o posibilidad upang siya ang maging biological na ama ng nasabing bata. Siya ay binibigyan din ng proteksyon ng ating batas upang hindi papanagutin at hindi mapwersa na akuin ang responsibilidad ng pagpapalaki at pag-aalaga ng batang hindi naman niya kadugo. Ayon sa Artikulo 166 ng Family Code:

“Legitimacy of the child may be impugned only on the following grounds: (1) That it was physically impossible for the husband to have sexual intercourse with his wife within the first 120 days of the 300 days which immediately preceded the birth of the child because of: (a) the physical incapacity of the husband to have sexual intercourse with his wife; (b) the fact that the husband and wife were living separately in such a way that sexual intercourse was not possible; x x x

Maliban sa pagbatikos sa katauhan ng iyong magi-ging anak, maaari ka ring sampahan ng reklamo ng iyong asawa para sa krimeng adultery kung mapapatunayan niya na ikaw ay nakipagtalik sa isang lalaki bagaman alam niya na ikaw ay isang babaeng may-asawa na. (Artikulo 333, Revised Penal Code) Tama ang nasabi sa iyo ng iyong mga kakilala na ang asawa mo lamang ang maaaring magsampa ng reklamo laban sa iyo sapagkat ang kasong adultery ay itinuturing bilang isang private crime na kung saan ang asawang pinagtaksilan lamang ang may karapatan na magsampa ng kaso laban sa kanyang asawang nagtaksil. Ayon sa Artikulo 344 ng Revised Penal Code, “The crimes of adultery and concubinage shall not be prosecuted except upon the complaint filed by the offended spouse.” Kung kaya’t nasa sa iyong asawa ang desisyon kung nais ka ba niyang papanagutin sa batas para sa nasabing krimen.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong mga katanungan. Nais lamang po naming bigyang-diin na ang aming opinyon ay base lamang sa inyong mga nai-salaysay. Maaaring magbago ang aming opinyon kung mababago ang mga datos na inyong ilalahad sa amin.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

loading...

5 thoughts on “Kaso ng adultery

  1. dear atty acosta,
    nais ko pa snang malaman kung ano ang magiging parusa sa aking asawa na nasa israel 2x na po nya akong pinagtaksilan
    nagkaroon po cya ng karilasyon sa ibang lalake yong una po
    nagkaroon po sila ng scandal cyber sex at sa pgkaka alam ko po nagpunta ng israel yng lalake 3days po cya doon at my nakpag sabi na nagsiping sila. pinatawad ko na po cya doon
    ngayon nagkaroon nman po cya ng kinakasama doon. sobrang skit po para sa akin ang ginawa nya gusto ko po sna silang kasuhan ng adultery ano ano po ang magiging parusa sa asawa ko na 2x na d nging tapat sa akin. pero nag papadla nman p cya ng pera sa aming mag ama. ang kinkasama lang po ng loob ko balita po nwalan ng trabaho yong lalake doon at ang sumusuporta sa knya ay ang asawa ko. maaari po ba silang ma deport at mapakulong dto?

    maraming salamat po godbless!

  2. Dear atty acosta,
    Nais Ko pong humingi ng payo kong ano po ang dapat gawin sa hambog na ama ng anak ko taong 2012 po nkilala ko cya bilang isang binata then nagkaanak po kmi 2013 po and nlaman ko pong my asawa pla cya at kasal at wlang anak feb.2014 po dinala nya kmi ng anak ko sa pmilya nya at naandon ang asawa nya then nagbanta po ang asawa na mgkakaso kya po nag apply po ulit aqong bumalik ng korea pra mkalayo at aq din po ang nagsusustento sa anak nmin na iniwan ko sa lola at lolo mga magulang ng ama ng anak ko un po kc ang kgustuhan nla umalis aq ngayon po mg 3 yrs old n po anak ko at aqo pa din po nagsusustento at aq din po ay nagpakasal na pinagbantaan po aq ng ama ng anak ko na papatayin nya aq at ang asawa ko pgnagpakita aq at kukunin ko ang anak ko na hnggang ngayon aq pa din po ang nagsusustento nasa akin pa po ang mga message’s nya ng pgbabanta at pmbabastos. Ako po ay pblik ng pilipinas pra kunin na ang anak ko at gusto ko din pong tnggalin cya bilang ama ng anak ko dahil cya po ay pmilyadong tao at hindi nagsusustento sa anak ko at nlaman ko din po n inaangkas nya sa single n motor ang bata kasama ng asawa nya at hindi din po cya ang Guardian ng anak ko kundi ang knyang mga magulang at Pgkinakausap ko ang anak ko inaalis ng asawa nya ung attention ng bata sakin.ano po ba ang dapat kong gawin lalo n sa cguridad ko pra mkuha ko na anak ko.
    Maraming salsmat po.
    Mrs . Clark

  3. Dear atty acosta,
    Nais Ko pong humingi ng payo kong ano po ang dapat gawin sa hambog na ama ng anak ko taong 2012 po nkilala ko cya bilang isang binata then nagkaanak po kmi 2013 po and nlaman ko pong my asawa pla cya at kasal at wlang anak feb.2014 po dinala nya kmi ng anak ko sa pmilya nya at naandon ang asawa nya then nagbanta po ang asawa na mgkakaso kya po nag apply po ulit aqong bumalik ng korea pra mkalayo at aq din po ang nagsusustento sa anak nmin na iniwan ko sa lola at lolo mga magulang ng ama ng anak ko un po kc ang kgustuhan nla umalis aq ngayon po mg 3 yrs old n po anak ko at aqo pa din po nagsusustento at aq din po ay nagpakasal na pinagbantaan po aq na papatayin aq ng ama ng anak ko na papatayin nya aq at ang asawa ko pgnagpakita aq at kukunin ko ang anak ko na hugging ngayon aq pa din po ang nagsusustento nasa akin pa po ang mga message’s nya ng pgbabanta at pmbabastos. Ako po ay pblik ng pilipinas pra kunin na ang anak ko at gusto ko din pong tnggalin cya bilang ama ng anak ko dahil cya po ay pmilyadong tao at hindi nagsusustento sa anak ko at nlaman ko din po n inaangkas nya sa single n motor ang bata ano po ba ang dapat kong gawin lalo n sa cguridad ko pra mkuha ko na anak ko.
    Maraming salsmat po.
    Mrs . Clark

  4. Dear Atty. Acosta,

    Nagkaanak po ako sa dati kong kinkasama nangako po siya ng kasal saken kaso may nabuntis syang iba at pinaalis po ako sa sa kanila sumusoprta nalang po siya sa anak namin. nagpakasal po sila nung babae pero bago po sila nag pakasal may nangyayari na po ulit samin noon ngaun pong kasal sila nabuntis nya po ako ulit ano po ang gagawin ko pede po ba akong magreklamo at magdemand sa pangangailangan ng bata? makakasuhan po ba ako ng misis nya?

  5. Dear Atty Acosta,
      Un po kc pinsan ko ay ginamit dati ang name ko sa pagkuha nia ng mga papeles, tpos nun ako nman po ang naglakad ng papeles ay ginamit ko naman an name ng kapatid ko, tanong ko po sana kun pwede po mpawalan bisa an kasal namin nun asawa ko, nangyari po iyon nung bago p kami ikasal, at itatanong ko kun pwed po ba ako kasuhan sa ganun, cno po an pwede magkaso pag ganun at pwede n po ba gawing grounds yun para mapawalang bisa kasal namin ng asawa ko. pero my voters id ako n gamit ko an totoo kong pangalan.
    Sana po ay msagot nio mga katanungan ko,
    Salamat po.
     

Leave a Reply

Your email address will not be published.