KASO LABAN SA PATAY, KAGAGUHAN

PORMAL NA NAGSAMPA ng kasong Serious Illegal Detention ang Manila Police District laban sa magkapatid na Mendoza kaugnay sa naganap na hostage incident noong nakaraang Agosto sa Luneta.

Ang sinampahan ng magkaparehong kaso ay ang accomplice umano na si SP02 Gregorio Mendoza at ang principal suspect na si S/Insp. Rolando Mendoza.

Sa totoo lang, parekoy, maaari tayong malagay nito sa Guinness Book of World Records.

Dahil sa buong daigdig, dito lamang sa ‘Pinas nangyari na may “patay na kinasuhan”.

Hindi naman masasabing hindi alam ng Manila Police District na patay na si S/Insp. Rolando Mendoza. Dahil mga tauhan pa nga nila ang pumatay rito.

At maging ang buong mundo ay alam ito.

Na pagkatapos pagpapatayin ni S/Insp. Rolando Mendoza ang pito sa kanyang mga hostages… siya man ay tinigbak na rin ng SWAT.

Ginawa ito, parekoy, ng MPD na kinasuhan pa rin nila ang patay dahil gusto lamang umano nilang palakasin ang kaso laban kay SP02 Gregorio Mendoza.

Oo nga naman, parekoy, dahil paano mo kakasuhan ang isang tao ng pagiging accomplish kung hindi mo nga kinasuhan ang principal?

Pero sa totoo lang, parekoy, may malaking problema rito ang MPD.

Dahil para na rin nilang ipinangalandakan sa buong daigdig ang kanilang kabobohan.

Marami kasing “butas”, parekoy, ang kinakailangang kumpunihin ng mga nagsampa ng kaso laban sa isang “patay na”.

Una, paano ipagkakaloob ng korte o piskalya kay S/Insp. Rolando Mendoza ang kanyang mga karapatan bilang isang akusado?

Gaya na lamang ng karapatan ng akusado na malaman ang “nature and cause” ng demanda o reklamo laban sa kanya?

Ang karapatan ng isang akusado na kumuha ng abogado na kanyang gusto.

Ang karapatang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Paano magagawa ng akusadong si Mendoza ang lahat ng ito eh, patay na nga siya?

‘Di ibig sabihin, hindi na ito makagagawa ng depensa?

Magiging gago rin ang Piskal na tatanggap ng kaso. Bakit?

Aba eh, pagpadala mo pa lang sa akusado ng kopya ng demanda, saan mo ia-address?

Kay San Pedro? Hak, hak, hak!

Ano ba namang kagaguhan ‘yan?

Heto pa, dahil hindi makasasagot sa preliminary investigation, ibig sabihin, isasampa talaga ang kaso sa korte.

Ito na ang masaya, parekoy, paglabas ng warrant of arrest, saan at paano aarestuhin si S/Insp. Rolando Mendoza?

Heto pa, sino ang babasahan ng sakdal pagdating sa arraignment?

Ang pinakamasakit, parekoy, dahil tiyak na convicted, paano ihahain ang sentensiya kay Mendoza?

Tangna namang buhay na ito, kayo namang mga taga-MPD, gamitin naman ninyo iyang ulo ninyo!

Ang masakit niyan, kung puro na lang ‘yan ulo at baka naman wala nang utak!!!

INAANYAYAHAN ko po ka-yong makinig sa aking programa sa radyo tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes sa DZME 1530kHz (dulong-kanan sa inyong talapihitan).

Ang programa ng inyong lingkod “ALARMA Kinse Treynta” ay maaari rin po ninyong mapanood sa internet sa ganu’n ding oras. Mag-log-on lamang sa www.dzme1530.com.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

One thought on “KASO LABAN SA PATAY, KAGAGUHAN

  1. MAGALING, MR. TARGET! ANO NAMAN ANG SAGOT NI DE LIMA? KUMUSTA NAMAN SINA MAYOR LIM AT DILG USEC PUNO, AT PNOY HIMSELF NA PRINCIPAL CONTRIBUTORS TO THE HOSTAGE FIASCO? LUTONG MACAO NA BA? KAWAWANG PATAY, WALANG KALABAN-LABAN. LIM AND PUNO ARE UNTOUCHABLES MGA LOVE YAN NI ABNOY. WELCOME TO THE WOLRLD OF THE ABNOY AND THE YELLOW ROTTEN BANANAS!

Leave a Reply

Your email address will not be published.