Kaso Laban sa Kanya, May Halong Pulitika – DA Sec. Alcala

NANINIWALA SI Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala na may halong pulitika ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Ayon sa kalihim, hindi pa niya nababasa ang inihaing reklamo sa Ombudsman ng mga magsasaka kaugnay ng umano’y inilabas niyang P3.5 milyong support fund mula sa priority development assistant fund (PDAF) bilang kongresista noon ng ikalawang distrito ng Quezon para sa Sir Pelagio Alcantara Development Foundation, Inc. (SPADE Foundation) ng Ilocos. Gayunman, sa tingin niya ay usaping pulitikal lamang ito.

Naniniwala si Alcala na may galit lang talaga sa kanya si dating Lucena Mayor Ramon Talaga na naging tagapagsalita kahapon ng mga complainant.

Samantala, kumpiyansa si Alcala na mismong ang mga taga-Quezon ang magpapatunay sa naging tulong niya sa mga kababayan noong manungkulang kongresista.

“I think ‘yun pong mga tao mismo sa aming lugar, sa aming lalawigan ang makakapagsalita kung ano po ba ‘yung ginawang tulong natin.”

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.