Kaskaserong magkaibigan, patay sa aksidente

DEAD ON the spot ang mag-aibigan matapos maaksidente sa lungsod ng Urdaneta, Pangasinan.

Sa ulat ng Urdaneta Police Station, kinilala ang mga biktima na sina Darwin Mikey at Ruel Haponitalia kapwa residente sa nabanggit lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, mabilis ang pagpapatakbo ng dalawa sa kanilang sinasakyang motorsiklo na dahilan upang bumangga ang mga ito sa concrete barrier habang binabagtas nila ang kahabaan ng San Vicente East sa nasabing lungsod.

Base sa mga pulis sa tindi ng impact, tumilapon ang mga ito ng sampung metro at nagtamo ng matinding tama sa ulo ang dalawa.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.