Kasisilang Na Triplets, Pumanaw Na

BIGO ANG mga magulang ng triplets na mapalaki ang kasisilang na mga sanggol makaraang mamatay ang mga ito habang naka-confine sa isang pribadong ospital sa General Santos City.

Ayon kay Asna Alipio, 37-anyos, taga-Purok Darimco, Dadiangas West ng lungsod, magkasunod namatay ang dalawa sa kanyang triplets.

Napag-alaman na unang namatay si baby girl C noong Hulyo 20, isang araw matapos isinilang ng nasabing ina.

Habang noong Hulyo 26 ay kapwa pumanaw ang dalawang naiwan sa triplets na sina baby girl A at baby girl B.

Inamin ni Alipio na pa-ngarap niyang mabuhay ang mga anak subalit natanggap na rin ang pagkamatay ng mga ito lalo’t premature babies pa sila.

Ipinasok ang triplets sa intensive care unit ng naturang ospital dahil anim na buwan pa lamang nang isilang ang mga ito.     (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.