Kaselanan ng Dalaga, Hinimas ng Binata

REHAS NA bakal naman ang hihimasin ng binata matapos paghihimasin ang maseselang parte ng katawan ng naglalakad na dalaga sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Noel Salcedo, 22 ng General Mascardo St., Bagong Barrio ng lungsod.

Base sa ulat, alas-8:20 ng gabi, naglalakad ang dalagang si Jacquiline Morato, 28 sa M. De Castro St., Bagong Barrio nang lapitan ng suspek at paglalamasin ang maseselang parte ng katawan ng biktima.

Nang makaigtad ang biktima ay nagsumbong sa mga barangay tanod na naging dahilan upang madakip at dalhin sa presinto bago sinampahan ng kasong Acts of Lasciviousness.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.