Kasambahay, Sinunog ang Bahay ng Amo

PATULOY NA pinaghahanap ng mga kinauukulan ang isang kasambahay na sinasabing missing sa nangyaring sunog sa bahay ng pamilyang Farcon, sa Holy Family Village 1, Brgy. Banilad, Cebu City na kumitil ng isang buhay.

Ito’y matapos may nakakita kay Aubrey Soria, 22, na may bitbit na dalawang bag at nagmamadali sa pag-alis sa nabanggit na lugar nang maganap ang sunog.

Dahil dito, malaki ang hinala ng mga awtoridad na sinadya ang panununog at ang motibo ay pagnanakaw.

Una nito, nadatnan ng mga bombero ang sunog na bangkay ng katulong na si Cornilla Tagalog, 50-anyos, residente ng Zamboanga del Sur, na kabilang sa mga natupok ng apoy.

Narekober naman ng mga awtoridad ang isang bag na may lamang mga damit na kabilang umano sa dapat na mga tatangayin ng suspek. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.