Kasambahay, Pinagsasaksak; Patay sa Loob ng Bahay ng Amo

 

PINAGSASAKSAK AT napatay ang kasambahay ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng pinaglilingkurang bahay sa Navotas kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa ulo si Rhodora Ordoñez, 46, stay-in sa B. Cruz St., Tangos ng lungsod.

Sa pahayag ni Camille, anak ng amo ng biktima, nasa ikalawang palapag siya ng kanilang bahay, ala-1:30 ng umaga, nang makarinig ng mga katok sa pinto sa unang palapag.

Hindi pinagbuksan ni Camille ang kumakatok subalit nang bumaba ang una ay laking gulat nang makitang patay na ang biktima at tadtad ng saksak sa ulo.

Humingi ng tulong si Camille sa mga barangay tanod na agad nakares-ponde at nakatawag ng pulis.

Inaalam na ng mga pulis kung may nawawala na gamit sa bahay at iniim-bestigahan ang nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.