Kasambahay, Nilamas ni Sir

KULONG ANG AMONG lalaki matapos ireklamo ng panglalamas ng kasambahay na bebot sa Navotas kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness si Erick Rose, 39, ng Phase 2, Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa reklamo ng biktimang edad 19, alas-8 kamakalawa ng gabi, nakatulog siya sa loob ng tinutuluyang kuwarto sa bahay ng suspek at nagising nang maramdaman may lumalamas sa kanyang dibdib.

Pagmulat ng mata ng biktima ay nakita ang amo na nasa tabi ay nilalamas ang dibdib ng maid na naging dahilan upang pumiglas ang huli at lumabas ng bahay.

Agad na nagsumbong sa mga pulis ang maid na naging dahilan upang dakpin si Rose.

Nabatid na tatlong buwan pa lang naninilbihan ang biktima sa nasabing bahay.  (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.