Kasambahay ng mga Padilla, Kritikal sa mga Holdaper

HINOLDAP NA, binaril pa ang katulong nina Tac Padilla ng isa sa tatlong hindi pa kilalang mga holdaper sakay ng motorsiklo sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Rowena Las Piñas, 43 ng Pascual St., San Agustin ng lungsod.

Base sa ulat, alas-3 ng hapon, naglalakad ang biktima papuntang grocery upang mamili sa Pascual St., nang sumulpot ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo at mga naka-bonnet.

Tinutukan ng baril ang biktima bago kinuha ang P30,000 na pamili at nang makuha, isa ang bumaril pa sa biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklong hindi na nakuha ng plaka habang dinala naman ng mga amo sa MCU si Las Piñas.

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.