Kasambahay, nagbigti dahil sa pag-ibig

DAHIL UMANO sa pag-ibig ang papatiwakal ng isang dalagang kasambahay sa Brgy. Malhacan, Meycauayan City.

Sa report ng PNP, kinilala ang biktimang si Manilyn Uy Y Niegas, 19 anyos, tubong Libtong, Meycauayan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Yabot, dakong alas-6:45 ng hapon nang matagpuan ang katawan ng biktima na nakabitin sa laundry area ng bahay ng kanyang amo sa nabangit na lugar.

May teorya ang mga pulis na pag-ibig ang dahilan ng pagpapakamatay ng dalaga.

Sa record ng SOCO Team na pinamumunuan ni PCI Gina  Ledesma, walang nakitang external injury sa katawan ng biktima maliban sa bakat ng lubid sa kanyang leeg.

Ayon naman kay PCI Edith B. Martinez, Medico-Legal Officer, ang dahilan ng pagkamatay ng dalaga ay Asphyxia by Neck Ligature.

(TONY DELA PEÑA)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.