Kasambahay na pumatay sa among Intsik, arestado

SWAK SA KULUNGAN ang isang kasambahay matapos itong arestuhin ng mga awtoridad makaraang pagnakawan nito at patayin ang kanyang among matandang babae kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Qualified Theft at Homicide sa Malabon-Navotas Prosecutor’s Office ang suspek na si Virginia Solomon, 23, kasambahay, ng 303 San Guillermo St., Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Agad namang nasawi sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng matinding pinsala ng pagkapalo ng tubo sa ulo ang biktimang si Cristy Geronimo, 77,  Chinese national, ng San Rafael Village, Navotas City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang madakip ang suspek sa pinagtataguan nitong bahay sa Muntinlupa City.

Matatandaan na nitong nakalipas na linggo, Setyembre 15, natagpuang walang buhay at naliligo sa sariling dugo si Geronimo sa loob ng bahay nito sa naturang lugar at nawawala ang halagang P1,000 at isang cellphone kasabay ng paglaho ni Solomon matapos ang isang buwang pamamasukan sa pamilya Geronimo.

Sa himpilan ng pulisya, sinabi ni Solomon na kaya lamang nito nagawang patayin at pagnakawan ang kanyang amo dahil palagi na lamang siyang napapagalitan kapag hindi agad natatapos ang kanyang trabaho.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.